Connect 18: Controlled

939 38 11
                                    

Connect 18: Controlled

Ellin's POV

Nagkulong ako sa rest room. Umiyak ako ng umiyak. I hugged my knees and cried. Umiiyak ako para sa Bangtan. I know, I can feel it. Hindi nila gusto ang mga nangyayari. And I can't stop. Hindi ako susuko sa campaign nang ganun-ganun lang. I need to win them back, I need to win Coachella back.

I felt determined. I wiped my tears and stood up but as I was about to go out of the rest room, tears started to fall again. I breathe in and breathe out, tried to stay calm and hold on to the door knob.

Just thinking about Rap Mon's blonde hair turning black makes me sad. I sighed.

Dumiretcho ako sa room at nakinig nalang sa lectures about wiring and system back up. Hindi ko na pinansin. Wala akong interes sa ganyan. I think everyone is not interested anyway. Natapos din ang afternoon period at naghahanda na akong umuwi when Chowa and Wowa sat down beside me.

"Are you okay, Ellin?" Chowa asked with worried eyes.

"Yes. I'm fine. Bakit mo natanong?" I tried my best to smile.

"You look like you're not. Tsaka napapansin namin na hindi ka na masyadong active sa class. Paano yung ranking mo?" Wowa said.

"Ranking?" I laughed. "It doesn't matter anymore. Not unless it's for music, if it's not then I don't care if I'll go down the rankings." tumayo ako at lumabas ng room. Sakto, palabas lang din ng room ang Bangtan Boys.

Humawak ako sa backpack ko at lumapit sa kanila. I walked with them at halatang nagulat silang pito sa bigla kong pagsulpot.

"Hi guys! Saan kayo pupunta? Sama!" masaya kong pagbati.

But none of them replied to me. Diretcho lang silang nakatingin. Nilagpasan lang nila ako at parang hindi ako nag-eexist. I tried to fight the tears and ran to catch up with them pero nagulat ako ng hawakan ni JHope ang braso ko.

"We're going home, Ellin. You don't have to come. Ingat ka pag-uwi mo." he said in a serious tone. Bumitaw siya at tumakbo papunta sa kanila habang naiwan ako doon na nakatayo hanggang sa hindi ko na sila matanaw.

Umuwi ako sa apartment na mabigat ang loob at agad dumiretcho sa kwarto. I wanted to cry pero feeling ko dehydrated na ako. Naiinis ako sa school admin na iyon! He's such an ass! Sabi niya pag-iisipan niya ang mga sinabi ko! Paasa! Kainis!

Nagbihis ako at kumain kasabay ni Manang Ason. Sinabi niya rin na nagpaalam daw si V na doon muna sa bahay nila titira. Nakakawalang gana tuloy. Oy hindi ako malungkot na wala na si V sa apartment ah! Nakakawalang gana lang kasi nabanggit na naman niya yung Bangtan— well V is part of Bangtan, right? Anong pake ko dun sa lalaking yun? Tss.

After kong maghugas ng kinainan ko ay bumalik na ako sa taas. Saglit akong napatingin sa pinto ng kwarto ni V. Hindi iyon nakalock. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at binuksan ko iyon.

Connect The DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon