Connect 1: Hate Connection

2.2K 71 24
                                    

Warning: This story is quite mature than my other stories. Medyo mature na ang themes at languages na ginagamit ko dito. So if you wish to continue, then fine. You have been warned. Kkk~

 

Connect 1: Hate Connection

 

 

Ellin's POV

Nakapikit ako at dinadama ang hangin mula sa third floor ng Coachella School of Music and Arts nang bigla itong nasira ng dalawang balahura kong classmates.

"Ellinanya!!!" tawag ni Chowa sa buo kong pangalan. "Utang na labas hawakan mo 'ko kasabay kong naglakad kanina sa hallway si Kookie!!!" pagwawala pa nito.

"Ang daya ni Chowa! Nag-cr lang ako iniwan na niya ako Ellin!" parang bata na nagsusumbong sa akin si Wowa.

Kambal sila, kambal sa sakit ng ulo. Hay. Kung bakit ko nga ba kinaibigan ang mga hinayupak na mga babaeng ito? Hindi ko rin alam eh. =_=

"Pwede ba? Hindi naman nakakatulong ang mga lalaking yan sa buhay niyo pinag-aaksayahan niyo pa ng oras." bumalik ako sa pagpikit. Ramdam ko ulit ang hangin mula sa bintana pero parang biglang may humarang sa liwanag. Pagmulat ko—

"Ahhhhh!!!" sigaw ni Chowa at Wowa, nakita kong nakaupo sa bintana si Rap Monster. Nakangisi ito habang nakatingin sa taas.

Siguro tumakas na naman siya sa klase niya. Madalas dito siya nadaan sa bintana, nasa itaas lang ng classroom namin ang classroom niya eh.

"Padaan." casual niyang sabi tsaka tumakbo palabas. Naririnig ko ang mapait na sigaw ni Sir Pagayunan mula sa bintana dahil hindi na naman niya naabutan ang leader ng Bangtan na tumakas sa klase niya.

Tama. Ang Bangtan, tinuturing na mga sakit ng ulo ng Coachella. Mga walang pangarap sa buhay. Ang Bangtan, bulletproof boyscouts ng Coachella School of Music and Arts na binubuo nila Rap Monster, V at Jimin na kaparehas ko na nasa Grade 11. Sa Grade 12 nandun si Jin at Yogi (Yogi is Suga, I derived his name from Yoongi). At ang pinakabata sa kanila na si Kookie na nasa Grade 10.

Sa araw-araw na pagpasok ko ni minsan ay hindi sila nagseryoso sa pag-aaral. Ang alam ko magaling silang sumayaw kaya sila nakakapag-aral dito pero base sa inuugali nila, nabansagan na silang ang grupo na walang pangarap.

"Emergerd. Una si Kookie, ngayon naman si Rap Momo~ Winona ang swerte-swerte natin!!!" tsaka niyugyog ni Chowa si Wowa.

"Ang daya mo Chocola ah! Nakadalawa ka na!" sabay pout ni Wowa. Chocola ang tunay na pangalan ni Chowa, Winona naman ang kay Wowa. Cute ng pangalan nila, yun nga lang rinding rindi na ako sa pagtili nila sa mga lalaking iyon.

Ako si Ellinanya Valdez. Grade 11, vocal major sa Coachella School of Music and Arts. Hello po~

Connect The DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon