TRP: 2 (Clark)

1.1K 102 28
                                    

LECKZY'S POV

Tumingin sa akin si Izzy ng seryoso at si Chelsey naman ay nakatingin sa akin ng nakakunot ang noo. Hinihintay nilang dalawa ang sasabihin ko.

"Nabawasan ng 2kilos ang timbang ko." Sabi ko at umiyak iyak kunyare. Bigla naman akong napa-aww ng batukan ako ni Izzy. Parang nakalog ata ang utak ko?

"Aray, ko namam! Kung makabatok, wagas!" Sabi ko at nag-pouty lips kay Izzy pero sinamaan nya ako ng tingin.

"Gusto mo iuntog kita sa pader?" Naiinis na sabi ni Izzy. Samantalang si Chelsey naman ay tawa ng tawa sa tabi ko. Saya ka gurl?

"Bad news naman talaga yun ah." Sabi ko at nag-pouty lips.

"Ewan ko sa'yo, Leckzy." Inis na sabi ni Izzy.

"Kung sayo bad news, sa amin naman ay good news yun." Natatawang sabi ni Chelsey sa akin.

"Ibibigya ko na lang sa inyo yung mga damit na binili ni Tita sa akin." Sabi ko sa kanila.

"Bakit Naman?" Tanong ni Chelsey.

"Hindi ko rin naman masusuot yun. Ang liit kaya nung mga yun. Sa braso ko lang ata kasya yun e." Sabi ko sa kanila.

"Are you really really really really really sure na hindi ka magiging sexy, like us?" Sabi ni Chelsey.

"Oo? Di ko alam. Ang hirap kasing magpapayat." Sabi ko at nag-pouty lips ulit.

"Sinusubukan mo lang pero hindi mo naman pinagpapatuloy. Once kasi na nahirapan ka e, ititigil mo na agad. You know maganda ka kahit mataba ka but Leckzy walang lalaki ang magkakagusto sa babaeng mas malaki pa sa kanya. Maliban na lang kung mahal ka talaga nya at tanggap kung ano ka. Pero sa panahon ngayon mahirap ng makahanap ang lalaking ganun. Kahit nga mga pangit babaero na rin e, gwapo pa kaya katulad ng crush mo?" Sabi ni Izzy sa akin.

"I-ikaw ba yan, Izzy? OMG! Magpapamisa na ba ako? For the first time and forever ang haba ng sinabi mo." Natatawa at kunwaring hindi makapaniwalang sabi ni Chelsey. Sinamaan naman sya ng tingin ni Izzy.

"Shut up!" Naiinis na sabi nito. Tinawanan lang sya ni Chelsey at bumaling na ulit sa akin. Gaga ka talaga Chelsey.

"What if gawin mo kayang inspiration si Clark?" Sabi ni Chelsey. Kinunutan ko naman sya ng noo.

"Eh?" Sabi ko. Parang mas lalong humirap e.

"Just try it, Leckzy. Hindi mo naman ikakamatay kung susubukan mo, hindi ba Izzy?" Sabi ni Chelsey.

"Tsss! Lukaret!" Walang ganang sabi ni Izzy. Tinawanan naman sya ni Chelsey. Mukhang high si Chelsey ngayon?

"At sana kapag sinubukan mo, ituloy-tuloy mo na." Wala ulit ganang sabi ni Izzy.

"Hindi ko maipapangakong magagawa ko ang mga sinasabi nyo pero gagawin ko lahat ng makakaya ko." Sabi ko sa kanila.

"Tutulungan ka namin dyan." Sabi ni Chelsey.

"Yeah, me too." Sabi ni Izzy at ngumiti sa akin. Bipolar talaga itong si Izzy.

~*~*~*~*~*~

Natapos ang morning classes namin kaya andito kami ngayon sa cafeteria para mag-lunch. Sobrang unti lang ng inorder sa akin nung dalawa. Kainis naman kasi naubos ko na ang sandwich na pinagawa ko kay Manang kanina habang papasok ako ng school. Di bale na babawi na lang ako mamaya paguwi! Heheheeh!

' Omo ang pogi talaga ni Clark!'

'I lab yah Clark!'

'Ang handsome nyo talaga Ithan and Brent!'

The Reneged Promises (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon