LECKZY'S POV
Katatapos lang ng klase namin ngayong araw. I am now in the waiting area of the school. I'm still waiting for Manong Bert to pick me up.
Kanina ko pa sya hinihintay pero hindi pa rin sya dumarating. Tingin ko na-traffic na naman yun. Or maybe he forgot to pick me up. Wag naman sana.
Madilim na ang paligid at ang lakas pa ng ulan. Dapat kasi sumabay na lang ako kay Chelsey. I took my cellphone out of my pocket and looked at what time it was. 6:48 pm. Nakita ko rin na low battery na ako. The f*ck!
Maya maya lang I saw someone walking towards my seat. I can't see what he looks like because he's wearing a black face mask, black cap and black jacket.
I was a little nervous when he sat next to me. Nanakawan nya ba ako? Is he a thief? I secretly looked at him. I can't really see his face. Kainis naman oh! Napatingin ako sa sapatos nya. Wow, ang ganda ng sapatos nya at mukhang mamahalin pa.
Magnanakaw ba talaga ito o baka naman nakisilong lang dito sa waiting area dahil naabutan ng ulan. Hay, Leckzy kung ano ano na naman ang mga pinagi-isip mo. Pero kahit na ganun ay naging alerto pa rin ako. Hindi ko sya kilala atsaka ang weird pa ng suot nya kaya dapat hindi ka agad agad magtiwala.
Ang tahimik lang ng paligid bali ang maririnig mo lang ay ang buhos ng ulan. Btw, hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na kami lang dalawa ang nandito sa waiting area. Oo, tama ang nabasa mo. Dalawa lang kaming nandito ngayon. Kaya medyo thankful din ako dahil dumating si Kuyang naka-all black. Oo, tama ulit ang nabasa mo. Lalaki nga sya at ang bango bango nya pa. Hehehe, gumagana na naman ang pagka-malandot ko. Wala akong magagawa e ang sarap nyang singhot singhutin.
Lumipas ang ilang minutong katahimikan. Nakayuko lang ako habang pinaglalaruan ang daliri ko. Ginugutom na ako. Si Manong naman ang tagal tagal. Ano na ba kasi ang nangyari dun? Hindi naman ako maka-text sa kanya dahil tuluyan ng na-low battery ang cellphone ko.
Napabuntong hininga ako. Naalala ko na naman ang mga tingin sa akin ni Clark. Hindi naman sya tumitingin sa akin e. Kanina lang talaga. Sh*t! Kenekeleg eke! Bakit ba kasi---.
Nagulat ako ng biglang hawakan ni Kuyang naka-all black ang wrist ko bago may kinuha syang ballpen sa may bulsa nya at may sinulat sya doon. May kakaiba akong naramdaman ng hawakan nya ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ganto ang nararamdaman ko sa tuwing nahuhuli kong nakatingin sa akin si Clark kanina. Sino ba talaga ang lalaking ito?
Wala sa sariling napatingin ako sa wrist ko. Pagkatapos nyang magsulat doon ay yumuko sya at nakita kong tinanggal nya ang face mask nya. Naramdaman kong hinalikan nya ang likod ng kamay ko. Natulala ako. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kuryente nung maglapat ang labi nya sa balat ko.
Nagtataka nga rin ako sa sarili ko kung bakit hindi ako pumalag sa ginawa nya. OMO! S-sino ba sya? Bakit may kakaiba akong naramdaman nung halikan nya ako sa likod ng kamay ko? Bakit pakiramdam ko sya si Clark? Pero malabong mangyari yun. Sobrang malabo.
Nabalik lang ako sa aking katinuan ng maramdaman kong tumayo sya at dahan dahang binitawan ang kamay ko. Hindi ko na sya nahabol ng dali dali syang umalis hanggang sa maglaho na sya sa paningin ko. Dahan dahan akong tumingin sa wrist ko kung saan sya nagsulat kanina. Hindi ko maintindihan ang nakasulat. Ano bang sulat ito? Chinese, korean, Thailand? O baka naman isa itong code? Nye, wala naman akong alam sa mga code code na yan!
ฉันรักคุณ
Yan ang nakasulat sa wrist ko. Bakit kasi kailangan ganyan pa. Di ko tuloy maintindihan.
*Beep* *beep* *beep*
Napalingon ako sa sasakyang paparating. Hay, after 246810 years nakarating rin ang sundo ko. Bumaba sa driver's seat si Manong Bert na may dalang payong.
BINABASA MO ANG
The Reneged Promises (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsOld title: Ms. Chubby "I'm just another promise you couldn't keep" --LECKZY ***** Love cannot be written on paper because paper can be erased. It is not inscribed on stone, because stone is breakable. But it is etched on a heart of a people who lo...