TRP: 19 (Music Room)

714 33 0
                                    

LECKZY'S POV

"Sino yung kasama ni Clark na babae?" Narinig kong bulong ng isa kong kaklase sa katabi nya. Palihim akong tumingin sa kanila. Ang nagsalita pala ay si Maydene at ang kausap nya ay si Zia na president ng classroom namin.

"Transferee, yun sa section nila! Tapos kaibigan daw ni Clark!" Sabi ni Zia.

"Ang ganda nya 'no, pero mukhang mataray!" Sabi ni Maydene.

"Hindi sila bagay ni Clark!" Sabi ni Zia. I sighed. Umiwas na ako ng tingin sa kanila.

"Ano pa, mas gugustuhin ko pa na si Leckzy na lang. Kahit mataba si Leckzy mabait naman. Atsaka kapag namayat si Leckzy wala tayong lahat patama. Sa ganda pa lang ng mata nya, walang wala na tayong lahat!" Narinig kong sabi Zia. Napangiti ako. Thank you! Hindi ko alam na meron pa palang nakaka-appreciate ng ganda ko.

"Oo nga 'no! Kung titignan mo kasi sya, kahit na mataba sya alam mo na maganda sya. Plus mabait pa! Gustong gusto ko talagang maging kaibigan si Leckzy Kaso natatakot naman ako kay Izzy. Grabe kasi syang makatingin." Sabi ni Maydene. Tinawanan naman sya ni Zia. Kung alam nyo lang, mabait si Izzy. Ayaw nya lang talaga ng maiingay.

Tumayo ako sa aking inuupuan bago tumingin sa kanila. Mukhang nagulat pa silang dalawa. I genuinely smiled at them.

"Thank you!" I said and left them dumbfounded. Napag-isipan ko na puntahan si Clark. Manghihiram lang naman ako ng book sa El Filibusterismo.

Pagkarating ko sa classroom nila ay hindi ko sya nakita. Asan kaya si Clark? Uhm! Baka nasa likod ng building na ito. Naglakad ako at pumunta sa likod. Sa malayo pa lang ay kita ko na agad si Clark pero natigilan ako ng makita ang dalawa nilang kamay na magkahawak. Nakatingin lang sya kay Saddie habang nagku-kwento si Saddie sa kanya.

Pero sa halip na umalis ay dinala ako ng mga paa ko palapit sa kanila. Unang napatingin sa akin si Saddie. At ngumiti sya...ng fake! Sumunod si Clark na halatang nagulat sa pagsulpot ko. Hindi ko alam pero bigla akong nawalan ng ganang ngumiti kay Clark. I gasped before speaking...

"Clark, can I barrow a book from you on El Filibusterismo?" I asked him. Ngumiti sya sa akin bago tumango-tango. But I didn't smile back. He frowned. I averted my gaze on him.

"I will lend you my book, but in one condition." He said. I immediately looked at him.

"Let's talk!" He said. Kinuha nya ang kamay ko at hinila ako sa kung saan. Naiwan naman si Saddie na tulala habang nakatingin sa amin na papalayo.
Nagulat ako ng idala ako ni Clark sa music room.

"Is there a problem? Why aren't you smiling at me?" He said. I looked at him and shook my head. Umiwas din agad ako ng tingin.

"I'm just tired, Clark! Sorry, if that's what you think about my actions." I said. I heard his gasped. Hinawakan nya ang kabila kong pisngi at ngumiti sa akin.

"Look at me!" He said.

"Lecks, please!" He pleaded. I slowly looked at him.

"I love you, I love you, I love you!" He said. Biglang namula ang aking pisngi.

"Do you want me to repeat it again? I lov---!" Pinutol ko agad ang sasabihin nya.

"O-okay na!" Nahihiyang sabi ko. I heard his chuckled.

"Asan na ang 'I love you too' ko?" He said. Nagmukhang kamatis na ang aking pisngi.

"C-Clark!" I said and pouted my lips. He chuckled again.

"Why? Nagsabi ka na ng I love you sa akin nung kausap mo ako sa phone! Hindi mo nga lang narinig ang I love you too ko dahil pinatay mo agad ang tawag!" He said.

The Reneged Promises (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon