TRP: 13 (Ivan and Chelsey)

755 41 0
                                    

LECKZY'S POV

"Hoy, kayong dalawa bakit nyo kami iniwan doon?" Rinig kong sigaw ni Chelsey. Andito na pala sila.

"Tsk, ang ingay talaga!" Izzy whispered. I chuckled.

"Hoy, umamin nga kayong dalawa sa akin. May relasyon ba kayo?" Sabi ni Chelsey. I looked at her in disbelief.

"Seriously, Chelsey?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Hindi nyo ako masisisi. E, mailap sa lalaki si Izzy. Ni hindi pa nga iyan nagkaka-jowa." Sabi ni Chelsey. Napatingin ako kay Izzy. Inirapan nya lang si Chelsey.

"Bakit, Ikaw ba nagka-jowa na?" Ivan said. Chelsey looked at Ivan in disgust.

"W-wala pa! Pero madaming nangliligaw sa akin." Chelsey said.

"Jowa ang tinatanong ko hindi manliligaw!" Ivan said. Sinamaan ng tingin ni Chelsey si Ivan.

"Ugh! Why am I even talking to you?!" Chelsey said irritably. Naglakad sya papunta sa kanyang tent. Ivan and Clark approached us. Umupo sila sa bakanteng upuan sa unahan namin.

"Saan pala kayo pumunta? Bakit hindi na kayo bumalik?" Ivan said. I looked at Ivan.

"Pumunta lang kami sa Lagoon at yun nag-kwentuhan lang." I said. Ivan nodded. Natahimik kaming apat. Ni isa walang nagsasalita.

"Oh, bakit ang tahimik nyo?" Chelsey said and approached us.

"Magpaluto na kaya tayo ng pagkain kela Manong, nagugutom na ako!" Chelsey said.

"Lagi ka namang gutom, e!" Ivan said.

"Pakialam mo ba!" Sabi ni Chelsey bago inirapan si Ivan.

"Mamayang gabi mag-bonfire tayo! Gusto ko talagang maranasang mag-bonfire." Chelsey said.

"Sakto, bumili ako ng marshmallow!" Sabi ni Ivan.

"Himala, hindi ka against sa suggestion ko." Chelsey said.

"First time kasing nagka-sense ang sinabi mo kaya hindi ako against." Ivan said and chuckled. I chuckled too. Si Clark at Izzy naman ay napailing iling lang habang nakangiti.

"Wow, sa tingin mo ba may sense din ang mga sinasabi mo?!" Chelsey said irritably. Nag-sisimula na naman silang dalawa.

"Oo!" Confident na sabi ni Ivan. Mas lalong nainis si Chelsey.

"YAH! IVANIE!" Chelsey said. Hahampasin nya sana si Ivan pero nakaiwas ito. Tumakbo si Ivan at hinabol sya ni Chelsey.

"Wag mo akong tinatakbuhan!" Sigaw ni Chelsey habang hinahabol si Ivan.

"Habulin mo ako!" Ivan said and laughed.

"AHH! PAG NAABUTAN KITA, PATAY KA SA AKIN!" Galit na sigaw ni Chelsey pero tinawanan lang sya ni Ivan.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

"Anong gusto nyong game?" Tanong ni Ivan.

"Truth or Dare!" Chelsey said.

"Okay, sige sige! Game ako dyan! Kayo?" Sabi ni Ivan bago tumingin sa aming tatlo.

"Sali ako!" Sabi ni Izzy.

"Me too!" I said and looked at Clark.

"I don't have any choice!" Clark said and shrugged. Alam nya kasi na pipilitin lang namin sya kung hindi man sya sasali kaya wala rin syang choice. I chuckled.

"Okay let's start the game! May bottle ako dito." Chelsey said.

"Wait, how can we spin the bottle? Hindi naman ito flat at---!" Pinutol ni Ivan ang sinasabi ko.

The Reneged Promises (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon