TRP: 25 (Ache)

727 31 2
                                    

LECKZY'S POV

Hindi papasok si Ivan at Chelsey ngayon. Okay na si Ivan pero hindi parin sya pinayagan ng Doctor na pumasok at mag-practice. Si Chelsey naman, sabi nya aalagaan nya daw si Ivan. Kaya mag-isa lang ako ngayon na naglalakad sa hallway. Medyo late na ako dahil late na rin akong nagising.

Pagkapasok ko sa classroom namin ay napatingin sa akin lahat ng mga classmate ko. Hindi ko na lang sila pinansin dahil alam ko na pagchi-chimisan lang rin naman nila ako.

Maya maya lang ay pumasok na aming teacher. Nakinig lang ako sa buong klase. Natapos ang klase namin sa umaga kaya pumunta na ako ng cafeteria. Wala na akong pakialam kung ano man ang mangyari sa akin doon.

Buo na Ang desisyon ko. Kung may mangyayari ulit ngayon, ito na ang huli araw ko sa paaralang ito. Pipilitin ko na lang si Mommy na doon na lang ako magpatuloy ng pag-aaral sa states. Ayaw ko ng madamay pa ang mga kaibigan ko. Alam ko na ako Ang dahilan kung bakit din nila nararanasan ito. Kaya mas maganda kung aalis na lang ako.

Pag-pasok ko ng cafeteria, biglang tumahimik ang lahat. Dire-diretso akong pumasok at pumunta sa counter para bumili ng pagkain. Gawin na nila kung ano ang gusto nila. Wala na akong pakialam.

Naglakad ako papunta sa table na walang naka-upo. Pagkatapos ay nag-simula na akong kumain. Hindi alintana ang mga masasakit na salita na sinasabi nila sa akin.

"Ang kapal ng mukha nya na kumain dito"

"Wala na, sira na ang araw ko dahil sa kanya!"

"Bwesit lang baboy ka! Nakakainis!"

"Naiirita ako kapag nakikita sya!"

"Bakit nyo ba sya ginaganyan, wala naman syang ginagawang masama sa inyo ah!"

"Wow, bait baitan ka na naman!"

"Ang sasama nyo!"

"Wala Kang pakialam! Sobra kaming naiinis sa kanya, e!"

"Deserve nya ang lahat ng ginawa natin sa kanya!"

"Ano faaa!"

"Para syang baboy kumain! HahHhah!"

Hindi ba nila alam na naririnig ko ang lahat ng sinasabi nila? O baka naman sinasadya nilang iparinig iyon sa akin. May tumulong luha sa mga mata ko.

Napatingin ako sa paligid. Bakit wala pa sila Clark? Bakit ko nga na sya tinatanong? I sighed. At magpapatuloy na sana sa pagkain ng may biglang humila sa buhok ko. Hinila nya ang buhok ko hanggang sa labas ng cafeteria. Medyo nagulat pa ako ng makita ko si Sabrina.

Binitawan nya ito at malakas akong sinampal sa mukha. Bigla kong nalasahan ang dugo. Napaiyak na ako ng sobra. Lumapit ang mga alipores ni Sabrina at pinagsasabunutan ako. Nagsilabasan ang lahat ng estudyante sa cafeteria.

"You deserve that, B*tch!" Galit na sigaw ni Sabrina habang sinasabunutan din ako.

"Sinuntok mo ang boyfriend ko! Hayop ka!" She said at malakas ulit akong sinampal. Tumigil sila sa kakasabunot sa akin. May kinuha silang isang timba na may lamang juice ay itinabon iyon sa akin.

Napaiyak ako ng sobra. Deserve ko ba talaga ito? Masama bang mag-mahal, maging mabait? Nakakapagod na!

Nakita ko si Clark na naglalakad kasama si Saddie. Papunta sila dito. Nakatingin lang sya sa akin. Ni hindi ko mabasa kung ano ba ang nasa isip nya. Tumigil sila sa harapan ko.

"Oh, andito ka pala Clark! Alam mo may itatanong ako sa'yo!" Sabrina said. I looked him.

"Do you love, Leckzy?" Sabrina said. Napalunok ako. Please, say yes! Ito na lang ang pinaka-huling pangako ng pinanghahawakan ko sa'yo! Please don't break it. He averted his gaze from me. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

The Reneged Promises (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon