LECKZY'S POV
"Pwede nyo ba akong samahan sa bakery? Bibilhan ko lang si Manang ng paborito nyang Monay!" I said. Matagal ko na palang hindi nabibilhan ng Monay si Manang. Sabi nya kasi, 'yun daw ang paborito nyang tinapay.
"Oo naman, bibili na rin ako ng putok!" Ivan said. Nabilaukan si Chelsey at Izzy sa iniinom nilang shake. Malakas nyang hinampas si Ivan sa braso.
"Bwesit ka!" Chelsey said and rolled her eyes. Ivan frowned.
"Bakit, may putok naman talagang tinapay ah!" Ivan said. Hinampas ulit sya ni Chelsey.
"Ang baboy mo!" Chelsey said. I chuckled.
"Ivan, sabihin mo na lang na Star Bread. Wag na putok!" I said and chuckled. Napakamot si Ivan sa batok.
"Ang arte naman kasi ng Star Bread, I prefer Putok!" He said. I chuckled again.
"Ang bastos mo talaga! Kitang mong may umiinom ng shake dito, o!" Chelsey said at hinampas ulit sa braso si Ivan.
"Alam mo Babe, nakaka-bente singkong hampas ka na sa akin ngayong araw!" Ivan said.
"Ohhh! So!" Chelsey said sarcastically.
"Sinasabi ko lang sa'yo para alam mo! Baka kasi konti pa lang yun? Baka gusto mo pang dagdagan?!" Ivan said and pouted. I laughed. Sira ulo talaga ang dalawang ito.
Bago kami umuwi ay dumaan muna kami sa Bakery ni Aling Bebang. Bumili ako ng Monay at Egg Pie. Si Ivan naman ay bumuili ng Putok at Mamon.
Pagkauwi ko ay ibinigay ko kaagad kay Manang ang binili kong Monay para sa kanya. Binigyan ko naman si Yaya K ng Egg Pie. Pagkatapos ay pumunta na ako sa kwarto ko bago naligo at nagpalit ng pantulog.
Kinuha ko ang phone ko na nakalagay sa loob ng aking mini drawer. I turned on my phone. Agad bumungad sa akin ang 10 missed calls from Mommy and 25 missed calls from Clark. Kagabi at kaninang umaga ito. Tambak din ang text galing sa kanilang dalawa. But instead na basahin ko ang text ni Clark e tinawagan ko na lang si Mommy. Sana masagot nya. Maya maya lang ay sinagot agad ni Mommy ang tawag.
"Hello, Mommy! Kumusta po kayo dyan?" I said.
"O-okay lang naman k-kami dito anak!" Nauutal na sabi ni Mommy sa kabilang linya. Bakit parang umiiyak sya. I frowned.
"Mommy, are you crying?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. Narinig ko ang pagsinghot nya.
"N-no, anak! S-sinisipon lang talaga ako, malamig kasi ang panahon dito ngayon!" Mommy said. Napatango na lang ako.
"Mommy si Ate po pala, kamusta? Naoperahan na po ba sya? May donor na po ba si Ate?" I said. Napakunot ako ng parang ilayo ni Mommy ang cellphone sa kanya. Hindi ko man kita pero rinig ko sa kabilang linya ang mahina nyang iyak. At mas lalo kong ikinakunot nang si Daddy na ang magsalita sa kabilang linya.
"Hello, anak! Kamusta dyan? Sabi ni Manang, malaki daw ang pinayat mo. Kumakain ka ba ng tama, Leckzy! Wag mong pababayaan ang katawan mo, Leckzy!" Daddy said. Napatango ako kahit na alam kong hindi ito kita ni Daddy.
"Opo, Daddy! Uhm, Daddy babye na po! Ikamusta nyo na lang po ako kay Ate Danny! At pasabi na rin po kay Mommy na wag na po syang umiyak! Ingat po kayo dyan Dad!" I said. Bigla na lang natahimik si Daddy pero maya maya lang ay nagsalita na rin sya...
"Sige, anak. Take care! I love you!" Daddy said. I smiled.
"I love you too, Dad!" I said and ended the call.
BINABASA MO ANG
The Reneged Promises (COMPLETED)
Teen FictionOld title: Ms. Chubby "I'm just another promise you couldn't keep" --LECKZY ***** Love cannot be written on paper because paper can be erased. It is not inscribed on stone, because stone is breakable. But it is etched on a heart of a people who lo...