TRP: 29 (Sudden)

667 27 0
                                    

LECKZY'S POV

"Lolo, Lola, miss na miss ko na po kayong dalawa! Bakit po kasi iniwan nyo ako agad? Lolo, bakit po sumunod ka agad kay Lola dyan sa taas?" I said. Nagsituluan ang aking mga luha sa mata.

"Alam nyo po ba Lolo, Lola, hanggang ngayon po, galit parin sa akin si Clark! At ako po, hindi ko pa po sya kayang patawarin! Sobra nya po kasi sinaktan. Mahal ko parin po sya pero, pagod na po kasing umasa ang puso ko! Pagod na pagod na po akong iyakan sya, gabi gabi! Kahit na Isang taon na rin ang nakalipas simula ng mangyari 'yun, hindi ko parin po makalimuta ang sinabi nya. Maikling salita lang ang sinabi nya pero tagos po yun sa puso ko! Sana po pala, nakinig ako sa advice ni Izzy. Sana po pala, hindi ako agad agad nag-tiwala sa kanya." I said. Bigla kong naalala ang sinabi ni Saddie at kinuwento ni Hazel.

----Flashbacks----

"Hinahanap mo ba si Clark?" She said. I averted my gaze and nodded. I heard her sarcastic laugh.

"Kung ako sa'yo wag ka ng umasa sa kanya! Dahil kahit na ikaw ang gusto nya kesa sa akin, gagawin ko ang lahat para kamuhian ka nya at masira ang tiwala nya sa'yo! Wag kang pakampante, dahil marami akong hawak na alas!" She said.

"Why are you doing this?" I said. She smirked.

"Isa lang ang dahilan, dahil mahal ko sya at hindi ko hahayaang mapunta sya sa iba! Lalong lalo na sa'yo! Akala mo naman kagandahan ka? E, ang taba taba mo! Baboy, Baboy!" She said. Napaiyak ako dahil sa sinabi nya.

------

"Tapos nangyari nga yung gabi na magkasama kayo ni Kian sa isang park! Sinusundan namin si Clark nun. Medyo nagmamadali narin kaming dalawa dahil may flight pa sila Izzy papuntang states. Tapos papunta kasi sya sa isang grocery store kaya sya napadaan sa park. Nung nakita nya kayo napatigil sya. Halata sa mukha nya na nasaktan sya sa nakita nya Lecks, lalo na nung magtinginan at ngumiti kayo sa isa't isa." Sabi nya.

"Pero ang nakakapagtaka is bakit parang galit na galit sa'yo si Clark! Siguro nga, katulad ng sinabi mo na-brain wash sya ni Saddie. Baka may iba pang ginawa si Saddie para lang kamuhian ka ni Clark!" Hazel said. Malamang! Halata naman sa mukha nya.

----End of Flashbacks----

Hindi kaya sinabi nya lang iyon dahil nasaktan sya. Dahil na-brain wash sya ni Saddie. Pero bakit hindi nya man lang ako hinyaang mag-paliwanag? Bakit hindi sya nag-tiwala sa akin? Bakit hindi nya man lang ako kinausap tungkol doon?

"Hindi ko na po alam kung ano pa ang paniwalaan ko. At hindi ko rin po alam kung Hindi nya ba ako mahal o baka sinabi nya lang 'yun para saktan ako. Sinabi nya lang yun, dahil nasaktan din sya. Pero ang totoo ay mahal nya talaga ako. Hindi ko na rin po alam ang gagawin ko! Mahal ko sya pero mas nananaig sa puso ko ang galit at sakit." I said. I wiped my tears away.

"I'm sorry po, Lolo, Lola! Dito pa po ako nag-drama." I said and chuckled.

"Sa sabado po, pupunta po kami sa vacation house. Hindi ko po alam kung mae-enjoy ko ang bakasyon namin dun, kasama po kasi si Clark. Sana nga po, walang maisip na kabaliwan ang mga kaibigan ko. Siguro po, iiwasan ko na lang doon si Clark. Mas maganda po sigurong ideya yun. Sige po, Lolo, Lola! Aalis na rin po ako. Babalik rin po ako dito para dalawin ulit kayo. Mahal na mahal ko po kayo!" I said. Hinalikan ko ang lapida nilang dalawa bago ako umalis at sumakay sa kotse.

Papunta ako ngayon sa Mansion. I gasped loudly kaya napatingin sa akin ang aming driver. Halata sa mga mata nya na nag-aalala sya.

"Ms. Leckzy, ayos lang po ba kayo?" Tanong ni Manong Bert sa akin. I smiled at him before nodding. He smiled at me too before looking back at the road.

The Reneged Promises (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon