LECKZY'S POV
"Hi, bitch! Akala mo ba titigilan ka na namin?" Galit na sabi ni Sabrina. I just glared at her.
"Ano hindi ka magsasalita? Takot ka ba, ha?" Sabrina said. Inirapan ko sya at maglalakad na sana ng bigla nyang hilahin ang buhok ko.
"Ouch!" Sigaw ko. Pinilit kong abutin ang buhok nya para hilahin pero di ko pa man naabot ng bitawan nya agad ang buhok ko.
Tumingin ako sa kanya at hihilahin sana ang buhok nya ng mapansin ko na nakatigil lang sila habang takot na takot na nakatingin sa unahan.
"All of you, go to the discipline office!" Sabi nito. Yumuko silang lahat at Dali daling umalis. Kinuha ko ang bag ko at maglalakad na sana pasunod kila Sabrina pero biglang hinawakan ni Clark ang aking kamay.
"Hindi ka kasama." Sabi nya. Binawi ko ang aking Kamay sa kanya.
"Are you okay? May masakit ba sa'yo? Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?" Nag-aalalang tanong nito sa akin. I rolled my eyes.
"I'm fine!" Bored kong sabi. I gasped heavily.
"Excuse me!" I said and left him.
*-*-*-*-*-*-*
"Oh! Pinapabigay ng secret admirer mo." Sabi ni Hazel sa akin bago binigay ang dalawang tupperware na may lamang ulam at kanin.
Kinuha ko ang sticky note na nakadikit sa gilid bago ito binasa.
'Eat Well, Princess! ( ˘ ³˘)♥
Malakas akong napabuntong hininga. Binuksan ko ang tupperware at kinain ito.
Pagkatapos ng lunch ay pumasok na kami sa classroom namin. Nakita ko agad si Clark na nakatingin sa akin habang nakangiti. Inirapan ko sya at naglakad papunta sa tabi nya.
"Ehem!" Tumingin ako sa kanya bago sya tinaasan ng isang kilay.
"Uhm! Hi!" Sabi ni Clark bago awkward na tumawa.
"Tch!" Malakas akong napabuntong hininga bago kinuha ang aking cellphone sa bulsa.
Tinext ko si Ate Danny. May pinapabili kasi sya sa aking libro sa National Book Store. E, nakalimutan ko ang title.
"Andyan na si Ma'am!" Rinig kong sigaw ng kaklase ko. Pinatay ko agad ang aking cellphone at inilagay sa bulsa ng aking bag.
"Good morning, Class!" Sabi ni Ma'am. Sabay sabay kaming tumayo.
"Good morning, Ma'am!" Sabay naming sabi. Nag-sign sya na pwede ng umupo kaya umupo na kaming lahat.
"Okay! Our lesson for today is about blah blah blah...." Hindi ako nakinig sa teacher namin. Napag-aralan ko na naman yan kagabi.
Kinuha ko ang aking sketch pad sa bag para mag-drawing na lang. Ano ba ang idu-drawing ko. Ahh, alam ko na!
Nagdrawing ako ng babaeng umiiyak sa hallway habang nakatingin sa lalaking gusto nya. Nakatalikod ang lalaki sa kanya habang naglalakad papalayo.
Pinakatitigan ko ito hanggang sa maalala ko ang nangyari sa akin dati.....
Nakita ko si Clark na naglalakad kasama si Saddie. Papunta sila dito. Nakatingin lang sya sa akin. Ni hindi ko mabasa kung ano ba ang nasa isip nya. Tumigil sila sa harapan ko.
"Oh, andito ka pala Clark! Alam mo may itatanong ako sa'yo!" Sabrina said. I looked her.
"Do you love, Leckzy?" Sabrina said. Napalunok ako. Please, say yes! Ito na lang ang pinaka-huling pangako ng pinanghahawakan ko sa'yo! Please don't break it. He averted his gaze from me. Bigla akong nakaramdam ng kaba.
BINABASA MO ANG
The Reneged Promises (COMPLETED)
Teen FictionOld title: Ms. Chubby "I'm just another promise you couldn't keep" --LECKZY ***** Love cannot be written on paper because paper can be erased. It is not inscribed on stone, because stone is breakable. But it is etched on a heart of a people who lo...