TRP: 26 (Karma)

710 29 0
                                    

LECKZY'S POV

6 months ago....

"Good morning, Dad! How's Ate Danny?" I said when Dad entered the house. Well, kasama ko ang aking aso na si Bobby. Magjo-jogging lang kami sandali paikot dito sa subdivision.

He smiled at me and kissed my forehead. I smiled at him too. Napatingin sya sa aking suot bago kay Bobby.

"Baka daw bukas makauwi na sya dito sa bahay. Pinagpapahinga pa kasi sya ng Doctor nya." He said. I nodded.

"Magjo-jogging kayo?" Dad said.

"Yes po!" I said.

"Take care, okay!" He said. I smiled again and nodded. Maglalakad na sana ako ng bigla ulit magsalita si Daddy.

"By the way anak! Alam mo na ba ang nangyari sa dati mong school?" I looked at him and frowned.

"Hindi po, Dad! Ano pong nangyari sa Flintridge Sacred Heart Academy? Wala naman po kasing binabanggit sa akin sila Izzy about sa FSHA?" I said.

"Nasunugan ang school nyo! Buti na lang sa gabi nangyari ang sunog. Because if the fire happened in the morning, may possiblity na may madamay na estudyante. But almost all school equipment and other buildings were consumed by fire. So the FSHA principal is asking for help to rebuild the buildings that were destroyed by the fire, buy other school equipment and etc." Daddy said. I nodded my head.

"Tutulungan ko po sila, Dad. Magdo-donate ako ng pera!" I said. He smiled at me.

"Okay, anak! Magkano ba ang ido-donate? Magdo-donate din kami ng Mommy mo?" Daddy said.

"Lahat ng laman ng bank account ko!" I said. Natigilan si Dad at halatang nagulat sa sinabi ko.

"Pero masyado atang malaki ang ibibigay mo? You can give them 10 million, wag naman ang isang bilyon anak! Masyadong malaki!" Daddy said. I pouted and lowered my head.

"Babayaran ko rin naman po iyon, Dad. Nagagamit ko lang rin po Kasi sa mga walang kabuluhan ang pera na ibinibigay nyo at kinikita ko. Sa Isang buwan naman po ay nakakaipon ako ng ilang libo. Kaya unti unti ko rin iyong mababayaran. Atsaka may isa pa naman po akong bank account, Dad. Please, Dad! Pumayag ka na!" I said. He gasped and slowly nodded his head. I smiled ang hugged him.

"Thank you, Dad! By the way, alis na po kami ni Bobby? Babye po!" I said and waved my hand.

"Take care!" Sigaw ni Dad. I smiled again.

Pagkalabas namin sa bahay ay nag-lakad lakad muna kaming dalawa ni Bobby. Isinuot ko ang headset sa aking magkabilang taenga. I took my phone out of my pocket. I picked my favorite song before putting it back in my pocket.

'Kung bibitaw nang mahinahon ako ba'y lulubayan ng ating
Mga kahapon na 'di na kayang ayusin ng lambing
Mga pangako ba'y sapat na upang muli tayong ipagtagpo ng hinaharap
Ba't pa ipapaalala 'di rin naman panghahawakan ba't pa ipipilit kung 'di naman tayo ang (kung di naman)

Para sa isa't-isa oh 'di ba sinta tayong dalawa lang noon
Para sa isa't-isa oh ba't 'di sumang-ayon sa 'tin ang panahon.'

Maya maya lang ay nag-simula na kaming mag jogging. Kahit na maraming masasamang memory ang nangyari sa akin sa paaralan na iyon ay hindi ko parin malilimutan ang ibang masasayang alaala ko doon. Hanggang ngayon, sariwa parin sa aking isipan ang masasakit na dinanas ko doon.

At kung mawawala ang paaralan na iyon ay hindi ko rin magagawa ang lahat ng plano ko. Alam ko na doon parin sila naga-aral. Maliban kay Sabrina. Paano nga naman sya makakapag-aral e nasa kulungan sya. Poor Sabrina! Mamimili na nga lang ng jo-jowain, yung may asawa pa! Hindi alam ng mga kaibigan nya ang nangyari sa kanya. Ang akala lang nila ay nag-aaral sya sa States. Hahahaha! Poor, poor, Sabrina!

The Reneged Promises (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon