LECKZY'S POV
Naglalakad ako mag-isa sa hallway habang umiinom ng orange juice. Nitong nagdaang araw I've noticed that Clark has always been paying attention to me. Pero dati naman, parang hindi ako nage-exist sa paningin nya. Kaya nakakapagtaka talaga na pinapansin nya ako at kinakausap pa.
Bigla tuloy pumasok sa isip ko yung nangyari kahapon. .....
Flashback:
"Hi, Lecks. Are you going to cafeteria? Let's have a lunch together." Sabi nya ng magkasalubong kami sa hallway. Medyo shock pa ako dahil sa sinabi nya. L-lunch. Kami, s-sabay mag-lunch? Seryoso ba sya? Hindi ba sya nahihiya na kasama nya ako?
I came back to reality when he gently squeezed my cheek before laughing softly. Shet! His laughter is addictive.
"Hey, is it okay if sabay tayong mag-lunch?" He said. Mabilis akong tumango-tango sa kanya.
"O-of course!" Pautal utal na sagot ko. Ngumiti sya bago hinawakan ang kamay ko hinila na ako papuntang cafeteria.
End of Flashback
Sobra talagang nakaka-shock ang mga nangyayari. I know Clark is a cold person. So it's really surprising for him to talk to me. As in feeling ko nananaginip lang ako.
I gasped before looking at the ground. May practice ngayon ng baseball. At naglalaro ang kaibigan ko na si Ivan. Sya ang pitcher. Hindi na namin sya masyadong nakakasama dahil lagi syang busy.
Ivan saw me. He smiled and waved his hand. Ngumiti rin ako sa kanya bago sya tinanguan. Ivan is a senior high student. Malayo ang building namin sa building nila kaya minsan na lang din kami nagkikita. Sometimes we go to their classroom. Kapag vacant namin at break time naman nila.
Umupo ako sa mga upuan na nasa ilalim ng manggo tree. Kinuha ko ang aking sketch pad at nagsimulang mag-drawing. Iginuhit ko ang mukha ni Clark. I really loved to draw when I was young. Sa tuwing nakikita ko ang lahat ng mga naguhit ay gumagaan ang pakiramdam ko, nawawala ang aking pagod at stress.
"Hoy! Baboy, anong ginagawa mo?" Medyo nagulat ako at muntik ng malaglag ang aking sketch pad. Dahan dahan akong tumingin sa likod at nakita si Hazel at mga alipores nya. Tinaasan nya ako ng kilay bago unti unting lumapit sa pwesto ko. I averted my gaze and quickly closed my sketch pad.
"Ano yang hawak mo?" Sabi ni Hazel at kukunin sana ang sketch pad ko but I quickly hid it behind my back. Tumingin ako kay Hazel na sobrang sama ng tingin sa akin.
"Kuhanin nyo yung hawak nya." Utos ni Hazel sa mga alipores nya. Kinabahan ako. Hindi pwede! Baka makita nya yung drinowing ko. Mahigpit kong hinawakan ang aking sketch pad pero nakuha parin ito ng mga alipores nya. Tumayo ako at sinubukang kuhanin ang sketch pad ko pero mabilis akong sinipa ni Hazel sa aking dibdib. Ang sakit ng aking dibdib at pwet. Tinignan nya muna lahat ng gawa ko bago nya ito pinagpupunit.
Napaiyak dahil sa nakita. Pinaghirapan ko lahat ng 'yan! Nginisian nya ako bago lumapit sa akin. Napapikit ako ng amba nya akong sasampalin.
"Hazel!" Mabilis kong iminulat ang aking mata at tumingin sa taong sumigaw. Nakita ko si Clark na galit na galit ang mukha habang nakatingin kila Hazel. When he looked at me his face suddenly softened. Mababakas mo sa mukha nya ang galit at pag-aalala. I averted my gaze before reaching for my bag.
"All of you, go to the discipline office!" He demanded.
"But Clar---."
"I said go to the discipline office, now! Wag nyong hayaan na ako mismo ang magdala sa inyo doon!" Galit na sabi nya. Padabog na umalis si Hazel sa harapan namin kasama ang mga alipores nya.
BINABASA MO ANG
The Reneged Promises (COMPLETED)
Teen FictionOld title: Ms. Chubby "I'm just another promise you couldn't keep" --LECKZY ***** Love cannot be written on paper because paper can be erased. It is not inscribed on stone, because stone is breakable. But it is etched on a heart of a people who lo...