Austin's POV
* * * * * Flashback * * * * *
Thungene si Crimson 'yon! Si Crimson talaga 'yon!
Nasa backstage na kami nung babaeng nakabangga ko kanina, at imbis na kabahan sa gagawing performance ay mas kabado pa 'ko na mahuli ni Crimson sa ganitong itsura!
Nakasuot ako ng light blue na bestida at yung converse ko pa rin na sapatos. May wig pa na pinasuyo n'ya sa driver kanina. Nalukot ang mukha ko habang mine-make-up-an n'ya ko.
"Paki ayos ng mukha mo please.", inosente pero lakas maka-insulto na utos n'ya habang nagmemake up. Napangiwi ako.
Ay sorry ha. Ganyan na talaga 'yan eh, wala nang i-a-ayos pa 'yan.
"Here, wear this.", nagulat ako nang i-abot n'ya sa'kin ang puting heels na dinapot ko kanina. "Oh! And what song do you know? Do you play instruments?"
"Teka lang masyado ka naman atang nagiging demanding.", napakamot ako sa ulo dahil sa bilis at dami ng nangyayari.
"Just wear this okay. And find a song.", inabot n'ya na din sa'kin ang hawak na cellphone kung saan nakalagay ang isang playlist na puro OPM ang kanta.
Matapos makapag-ayos at pumili ng kanta ay nagulat ako nang i-abot n'ya sa'kin ang isang gitara.
"You said you know how to play guitar right? Here. Luckily, I do too.", bahagyang kinilig na aniya dahilan para napakunot ulit ako.
Sa'n ba pinagkuku-kuha ng babaeng 'to ang mga props n'ya?
Marunong akong mag-gitara, pero isang kanta lang, at kinalakihan ko pang pagpraktisan sa school mula grade 8 hanggang mag grade 10.
Nagpa-practice man ang pagtugtog ng gitara at paglalaro ng basketball, pero hindi ang boses ko. At sa tingin ko, tulad ng pag-aaral at pagtali ng necktie ay hinding hindi ko na rin ma-ma-master na pag-kanta. Kaya naman nagdesisyon kaming mag-lip sync na lang. S'ya daw ang kakanta sa back stage para sa'kin. Kaya naman nung nag-perform na 'ko ay naka-off lang ang mic ko.
* * * * * End of flashback * * * * *
Patakbo akong bumalik sa may backstage matapos makita si Crimson, at makipagsapalaran sa pag-iwas ng tingin sa Dos por dos na nagandahan ata sa'kin masyado.
Halos matanggal pa ang puso ko sa sobrang kaba, nang bigla akong salubungin nung babae ng yakap.
"O.M.G! Thank you talaga! I know malaki tong hiningi ko sa'yo kaya thank you so much!", pasalamat sa'kin nung babae.
Agad naman akong tumango at napangiti-na mukhang nauwi din sa pagngiwi dahil pakiramdam ko sumasakit ang tyan ko sa kaba kanina, lalo pa nung biglang nagkasalubong ang tingin namin ni Dos. Pakiramdam ko tuloy kakain n'ya ko nang buhay kanina.
"Baby, you're here!", Napalingon kami nang makita ang isang lalaking naka-itim na tuxedo saka agad na niyakap yung babae.
"Dad! I'm sorry", naiiyak salubong n'ya sa tatay.
"What happened? Why are you crying? Ba't sya ang pinadala mo para magperform?", Sunod-sunod na tanong naman ng tatay n'y. Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa pagkailang.

BINABASA MO ANG
Boys Dormitory (UNDER REVISION)
Teen FictionSi Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OKAY TAKE TWO! Si Austin Louis Vermilion, ang main character na mukhang pang side character. Ipinangan...