Austin's POV
Matapos magamot ang sugat ko at mag-lunch ay bumalik din kaming tatlo sa room nang makasalubong namin ang dalawang seniors mula sa HUMSS na strand. Sinabihan nila si Crimson na pumunta sa gym dahil pinapatawag daw sila ni Coach do'n, kaya ang ending kaming dalawa na lang kami ni Clinton ang naglakad pabalik ng room.
"Austin, may tanong ako.", napalingon ako sa bumbay nang bigla s'yang magsalita sa gitna ng paglalakad.
Busy pa rin naman ang lahat dahil sa try-outs, most subjects namin sa hapon vacant kaya hindi na kami nagmadali sa paglalakad.
"Ano?", tanong ko.
"Kayo ni Crimson... May something ba sa inyo o...", napakunot ako nang mukhang ipapahula n'ya pa talaga sa'kin ang tanong n'ya.
Kita mo 'to ang linaw kausap -,-
"Anong 'something' pinagsasabi mo d'yan?", tanong ko, hindi na sinubukan pang manghula. Tinatamad ako eh.
"Something...like, may namamagitan na ba sa inyo? M.U. o magsyota. Ganun." medyo nailang na sagot n'ya. Nanlaki naman ang mga mata ko at mabilis na tumanggi.
"Hoy, hindi ah!", napailing pa 'ko sabay kamot sa ulo ko. "Haish! ba't ba ganyan lagi tingin n'yo samin, ha?"
Nakakairita na ha! Hindi ko pa rin ma-gets kung bakit kahit anong pilit kong tanggi sa paratang nila na bakla ako, napaghihinalaan pa din kaming... you know... may relasyon.
Tsh! Nakakasira tuloy sila ng samahan. Imbis na magkaibigan lang kami ni Crimson, lagi pang nabibigyan nang malisya. Ang awkward tuloy namin minsan. -,-
"Ewan... siguro dahil lagi s'yang nand'yan para sayo? Kasi lagi kayong magkasama.", sagot n'yang hindi nag-make sense sa'kin.
"Malamang! Magkaibigan kami, magka-room mate pa! Pano kami hindi magsasabay?", depensa ko naman. Napabuntong hininga naman s'ya.
"O sige, wala ngang malisya sa ginagawa n'yo pero... Ikaw ba...wala ka bang... nararamdaman para kay Crimson?", tanong n'ya ulit dahilan para malukot na ng tuluyan ang mukha ko.
Bakit ba ayaw n'yang kumpletuhin? >~<
"Nararamdaman na ano?", tanong ko pabalik, pinanlakihan s'ya ng mata. Stress n'yang nasampal ang mukha.
"Paghanga! Crush! Gusto mo ba s'ya, more that friends?", paglilinaw n'ya. Hindi naman ako agad naka-imik at napatingin lang sa kanya. Bigla akong na-blangko sa tanong n'ya.
Pagod s'yang napabuntong hininga. Kulang na lang sabihin n'yang 'ang tanga mo!'
"Ganito. Yung feeling na parang gusto mo s'ya laging makasama. Na parang hinahanap hanap mo s'ya.", paliwanag n'ya. Napangiwi ako.
"Lagi na nga kaming magkasama, ano pang klaseng pagsasama ang gusto mong gawin namin?", pamimilosopo ko. Napailing s'ya sabay irap pa.
"Eh yung... Yung pakiramdam na biglang bumibilis ang kabog ng dibdib mo pag kasama mo s'ya.", hindi talaga s'ya sumuko.
Agad namang lumiwanag ang mukha ko. "Ay oo meron!"
"T-talaga?", gulat s'yang napatingin sa'kin. Agad naman akong tumango.
"Oo, tuwing nagagalit s'ya. Kinakabahan talaga ako.", sagot ko na napahawak pa dibdib ko. Muli n'yang nasampal ang noo.
"Ganito na lang! Para mas specific...", ayaw n'ya talagang magpaawat. Ako naman tuloy ang napabuntong hininga saka umiling. "Yung feeling na parang gusto mo s'yang yakapin o...h-halikan."
BINABASA MO ANG
Boys Dormitory (UNDER REVISION)
Novela JuvenilSi Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OKAY TAKE TWO! Si Austin Louis Vermilion, ang main character na mukhang pang side character. Ipinangan...