DALAWAMPU'T TATLO

3 3 0
                                    

Contented

"This is not what I thought of meeting you personally."

Simula nang maupo siya sa tabi ko, hindi ko man lang siya nagawang tingnan ngunit batid kong nasa akin ang kaniyang buong atensyon. Pakiramdam ko kasi'y manghihina lamang ako sa oras na makita ang kaniyang mga mata.

"Pero kilala mo na ako simula pa lang, hindi ba?" Mababa ang boses na tanong ko.

"Yes, ever since when we were young." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya dahilan upang lingunin ko siya.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan lalong tanong ko.

"Hindi na ako magugulat pa nang ganiyan ang naging reaksyon mo." Ngumiti siya ngunit ang mga mata niya'y malamlam. "Besides, he already claimed my identity to you."

"I don't understand. And this makes me more confused. First, you decieved me and made me think of you like crazy. Then–" I suddenly stop when I heard him chuckled. "What are you laughing at?"

"Oh, love, I'm telling you, it's not just you who went crazy." He tried to suppress his smile and to act serious but his eyes are telling me otherwise.

"You're not taking me seriously, are you?" With that remark, his aura suddenly became dark which made me uncomfortable.

"Seryoso ako, Rhenwylle," aniya habang nakatingin ng deretso sa aking mga mata. Ang right at that moment, he sent chills down to my spine.

"Pero bakit mo nagawang magtago at magpanggap na hindi mo ako kilala?" Nanghihinang tanong ko dahil sa oras na iyon, mas nangibabaw ang nararamdaman kong pagmamahal sa kaniya.

"Sobrang hirap. Gusto kitang makasama bawat oras, gusto kong hawakan ang kamay mo..." He touched my hands lovingly... "pero hindi puwede. There are a lot of factors to consider."

"Dahil ba teacher ka at estudyante ako?" Masakit man pero iyon ang totoo.

Tumango siya. "Isa sa mga dahilan. Pero may pangako akong kailangang panindigan."

Nahigit ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya ngunit agad din niya iyong ibinalik.

"Anong pangako?"

"Kay Sir Edizon at kay Sir Jonas." Si Daddy at si Lolo.

"A-Anong kinalaman nina Daddy at Lolo dito?"

"Sir Jonas knew me when I was 15 years old looking at you for a long time. Noong una, tinanong niya lang ako kung crush daw ba kita dahil ang tagal kong nakatitig sa'yo, kinuwento ko sa kaniya ang nararamdaman ko." Ngumiti siya na parang inaalala ang sinasabi niya. "Masaya ako at that time kasi may napagsabihan ako ng tungkol sa'yo. Not until he said that he's your grandfather. Right then, he made me swear not to bother you for the time being."

"Si Daddy, kailan kayo nagkakilala?"

"I've met him two years ago when you graduated senior high school. Nasa labas ako ng bahay niyo tapos lumapit si Sir Edizon sa'kin. Remember the white roses?" Tumango ako.

"Ikaw ang may bigay n'on?" Tanong ko. Inaalala kung kanino nanggaling ang isang palumpon ng pinaghalong puti at asul na rosas nang magtapos ako ng high school. Ngunit agad din akong naguluhan... Paanong sa kaniya galing iyon gayong isang tao lang ang nagbigay noon sa akin...

My thoughts got carried away when he caresses my hands, holding it like a precious gem. I don't why but I feel like his hands are perfectly fit in to mine..

I'm doomed!

"It doesn't matter anymore. Ang mahalaga'y nasabi ko sa'yo ang nararamdaman ko." Hinawakan niya ang kanang pisngi ko. Tiningnan niya ang aking mukha na para bang hindi siya makapaniwalang nasa harap niya ako ngayon.

Me and U (MENTORS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon