LABIMPITO

4 3 0
                                    

Confession

Dumating na ang araw ng aming tatlong araw na conference na gaganapin sa Palawan. Dahil mahaba ang byahe, excuse na kami Tuesday pa lang.

Lahat busy sa kani-kaniyang mga gamit.

"Wala pa pero kinakabahan na agad ako," kumento ni Dexter habang pinagkikiskis ang mga palad.

"Ako rin," sang-ayon ni Shiena.

"Pero nakakaexcite din at the same time, kasi marami tayong makikilala doon, especially mga pogi," tumitiling sabi ni Johann.

"Ay grabe siya. Contest ang ipinunta natin doon, hindi boys hunting," pagkontra ni Keirylle.

"Ito naman, apakaseryoso mo. Loosen up a bit, girl," inakbayan siya ni Ryan.

"Oo nga, mas kakabahan ka niyan, sige ka," Harvey seconded.

Hindi na ako nakisabat pa hindi dahil sa hindi ako sang-ayon sa kanila kundi dahil sa hindi ako mapalagay.

Bakit pakiramdam ko may mangyayari?

Hindi naman ganito ang pakiramdam ko last year.

Naputol lamang ang pag-iisip ko nang magsalita si Ma'am Leigh.

"Everyone, ready your things. Make sure na wala kayong nakalimutan. Within one hour, nandito na ang van na maghahatid sa atin sa pier. Move now." Pumalakpak pa siya ng tatlong beses.

Katatapos lang naming maglunch. Agad naman naming chineck ang aming mga gamit.

Isang kulay asul na maleta na may katamtamang laki at isang shoulder bag lamang ang dala ko.

"Uyyy, girl, ayos ka lang ba?" Hindi ko namalayan ang paglapit sa akin ni Ryan.

"I think so, baks," matamlay na sagot ko.

"Ayy, taray. Eh, kung batukan kaya kita?" I didn't answer. Nang mapansin niya iyon, muli siyang nagsalita. "Anong problema, girl?"

"H-Hindi ko alam. Hindi kasi ako mapalagay, baks."

"Ganern? Pwes, alam ko ang sagot diyan."

"Huh?" Naguguluhang sabi ko.

"Isang tawag lang ni love mo, 'yan," nanunukso ang kaniyang tono kaya isang kurot ang natamo niya.

"Ryan!"

"W-What?" Pinanlakihan ko siya ng mata, pero tila balewala lamang iyon sa kaniya. "Wait for 5 minutes, tatawag siya sa'yo."

"Ryan, ano ba? Nananadya ka ba talaga?"

"I'm not joking, Myka. Tatawag siya sa'yo para pakalmahin 'yang puso mo," seryoso ang mukha niya habang sinasabi ang mga katagang 'yon.

"E-Ewan ko sa'yo."

Hindi siya nakatulong sa halip ay parang nakadagdag pa. Ngunit maya-maya pa'y nagvibrate ang cellphone ko. P-Paanong....???

Unknown calling....

Lumabas ako sa pub office upang sagutin ang tawag niya.

"Hi," pambungad ko.

"Hey," pagkatapos ay muling naging tahimik ang aming linya, katahimikang hindi ko akalaing kailangan ko upang kumalma.

"Paalis na kami," ako ang unang bumasag sa panandaliang katahimikang iyon. I wanted to hear his voice so bad.

"Mmmm..." Dismayado ako sa tugon niyang iyon.

Wala na akong naisip pang maaaring sabihin. Tila naging blangko ako.

Me and U (MENTORS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon