SIYAM

7 3 0
                                    

Buwan at Bituin

"A-ahhh!!!"

Napahawak ako sa aking ulo dahil pumipintig ito sa sakit. Makalipas ng ilang minuto, bumangon na ako ngunit muling naupo nang makaramdam ng hilo bunsod ng biglang pagtayo.

Pikit-mata akong pumasok sa CR, hinubad ang lahat ng damit ko, saka naligo, nagtoothbrush, at muling nagbihis ng kumportableng damit.

Nang makapag-ayos, bumaba na ako para sana pumuntang kusina pero naabutan ko si Daddy na nag-eencode sa kaniyang laptop.

"G' morning, Dad," bati ko bago ko siya hinalikan sa pisngi.

"Good afternoon, sweetie" sabi nito nang nakangiti na siyang ikinagulat ko.

"H-Hapon na po?" Agad kong tanong bago sinulyapan ang orasan at nakitang 2:26 na nga ng hapon.

"Sige na, kumain ka na muna at mag-usap tayo mamaya," anito bago muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

Pagkapasok ko sa kusina, ininit ko lang saglit ang adobong manok na marahil ay ulam kaninang tanghalian saka ako kumain.

Patapos na ako nang pumasok si Daddy sa kusina at lumapit sa cabinet bago muling humarap at inilapag ang gamot sa lamesa.

"Oh, inumin mo. Paniguradong masakit ang ulo mo dahil sa hang over," bilin nito bago muling umalis upang ipagpatuloy ang ginagawa kanina.

Inabot ko ito at binuksan saka ininom matapos kumain. Hinugasan ko na rin ang ginamit kong pinggan pati ang baso. Tapos ay nagpunas ako ng kamay saka naglagay ng alcohol bago kumuha ng isang orange sa fruit basket.

Lumabas ako para tumabi kay Daddy sa sofa.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong niya nang makaupo ako.

"Medyo okay na po," sagot ko.

"I told you to text me when you're tipsy, didn't I?"

"I forgot, Dad. Sorry."

"Buti na lang at inihatid ka noong anak ni Jen."

"P-Po?" Nabibiglang ani ko. Muli kong inalala ang nangyari kagabi. Pero puro blurred images lang ang naaalala ko.

"K-Kuya P-Penny, *hik* i-isang b-bote *hik* pa n-nga," hingi ko pa nang maubos ang laman ng bote na aking iniinuman. Bago pa man niya maiabot sa akin, may nagsalita na sa aking tabi.

"Penny," nananaway na sabi ng isang tao. Pamilyar ang tinig niya ngunit hindi ko maalala.

"B-Bigay m-mo *hik* na 'yan s-sa *hik* a-akin." Inilahad ko pa ang aking kamay upang abutin ito sa kaniya pero parati iyong inilalayo sa akin.

"Ay, ateng, lasing ka na, oh, tama na," sabi ng hindi ko kilalang boses. Pero sigurado akong bakla ito.

"B-Bakla."

Tiningnan ko ang cellphone ko.

Unknown:
'Pag iinom ka, siguraduhin mong kaya mo ang sarili mo.

Napakunot ang noo ko sa nabasa. Ibig sabihin nandoon siya?

"D-Dad, s-sino po naghatid sa 'kin kagabi?" Tanong ko, nagbabakasakali.

"'Yong anak ni Jen. Lasing na lasing ka daw kagabi kaya inihatid ka na," paliwanag nito pero ang tanong ay hindi pa rin nasasagot.

"C-Can you describe him, Dad?" Muling subok ko.

"Yeah, but how did you know na lalaki ang naghatid sa'yo?" He caught me off guard. Ibig sabihin, babae?

Me and U (MENTORS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon