TATLUMPU

2 0 0
                                    

Who's Astrid?

Katulad ng sinabi ko kay Jeike at kay Tito Arvin kahapon, bumisita ulit ako sa hospital pero kasama na sina Vin, Reniz, at Ednalyn.

"Hi, Tito Arvin," bati namin isa-isa. Inilapag ni Reniz ang dalang basket ng prutas. Naupo naman kami sa sofang nandoon saka inilabas ang take out na fast food.

"Hey, love," bati ko kay Jeike habang may sinusulat itinatype sa laptop.

"Hi, love," he said before he gave me a peck on my lips. 

"Hindi ka pa ba umuuwi?" tanong ko dahil iyon pa rin ang suot niya mula kahapon.

Umiling siya bilang sagot. 

"Hindi siya nakikinig, Mykaela. Sinabi ko nang umuwi na muna siya at magpahinga, eh," sumbong sa akin ni Tito Arvin.

"Mas nakakapahinga ako rito, 'Pa," makahulugang sagot ni Jeike.

Nagpatuloy siya sa pagtatype nang hindi binabalingan ang ama.

Lumapit ako kay Tito Arvin para kumustahin siya.

"Kumusta na po kayo, Tito?"

"I'm fine, hija. Pero si Nate, hindi. Please do me a favor? Pauwiin mo na muna siya," aniya.

"Ayoko nga, 'Pa. Dinadalhan naman ako ng damit ni Ryan dito, eh. Don't worry about me. Just focus on your recovery para mai-discharge na kita at maiuwi sa townhouse natin," ani Jeike.

"A-Ayoko d'on. G-Gusto kong makasama kayong lahat. Si Ryan at si Jen," pirming sabi ni Tito Arvin.

Napatigil sa ginagawa si Jeike saka tumingala. Alam ko kung gaano siya nahihirapan sa sitwasyon niyang ito. He really loves his father so much na hindi na siya tumutol pa sa gusto ng ama. He sacrificed a lot just to give what his father wants.

"F-Fine. Stay with them. J-Just don't stress yourself," he emphasized before he returned to what he was doing.

Makailang saglit pa, may kumatok sa pinto kaya lahatkami napabaling doon.

Sumilip si Ryan nang buksan ito bago pumasok.

"Daddy," aniya saka deretsong pumunta sa kama ni Tito Arvin.

"Ryan." 

"Riana nga po kasi," biro pa ni Ryan.

"Okay, okay. Sinong kasama mo?" tanong ni Tito Arvin bago tumingin sa may pinto.

Pumasok ang si Tita Jen dala ang ilang paper bags at bulaklak.

"Sweetheart," malambing na sabi niya ngunit bago pa man siya makalapit, napatingin kami nang malakas na isara ni Jeike ang laptop saka nagmamadaling inimis ang gamit sa mesa.

"Saan ka pupunta, Nate?" tanong ni Tito Arvin.

"Pinauuwi mo na ako, 'di ba?"

"Kuya."

Bumaling kay Ryan si Jeike. "Alam mo kung ano ang pwede at bawal kainin ni Papa. Ikaw na muna bahala dito," bilin niya.

"Nathaniel," tawag ni Tita Jen sa anak nang hinawakan niya ito sa kamay para pigilang umalis.

Hinablot ni Jeike ang kamay mula sa hawak ng ina. "Don't you dare give stress to my father," he said before he left.

"Jeike," I called him pero ni hindi niya ako pinansin. Hinabol ko siya palabas. "Jeike, ano ba?"

Tumigil siya sandali, saktong lumabas na rin sina Jess, Reniz, Ednalyn, at Vin.

"Sir, mauna na po kami," pagpapaalam ni Reniz.

Me and U (MENTORS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon