ISA

27 4 0
                                    

Text

Tinitigan ko ang mga gamit na nagkalat sa aking maliit na mesa dito sa kwarto. Mga gusot na papel, lapis, ballpen, newspapers. Mahigit dalawang oras na yata akong nagsusulat pero ni wala pa din akong natatapos. Pinapagawa kasi ako ng adviser ko sa school publication ng isang article tungkol sa isang kumakalat na sakit sa ibang bansa. Binigyan ako ng two weeks para matapos pero dahil ayaw kongng natatambakan ng gawain, nagpasya ako na tapusin na ito ngayong gabi. Pero mukhang hindi ko magagawa.

Imbes na mag-aksaya ng papel at tinta ng ballpen, tinapon ko sa trash bin ang mga lukot na papel. Pagkatapos ay humiga na ako sa kama para sana makapagpahinga ngunit nagvibrate ang aking cellphone. Napangunot ang aking noo ng makita kung sino ang tumatawag. Unregistered number ito.

"Hello?" Walang sumasagot sa kabilang line. "Hello?" Subok ko pa ulit pero wala talaga. Actually, 'di ko sinasagot ang mga tawag mula sa mga unregistered number pero ngayon, I don't know what pushed me to answer this call. Maybe it's because of my curiosity. "If you're not going to talk, I'll hang up now."

One. Two. Three.

"Hi, Rhenwylle Mykaela."

I froze. No one has ever called me by my full name except my parents, and one person from the past.

"S-sino k-ka?" Pero 'di na siya muling nagsalita pa.

I ended the call unpeacefully. It bothered me all night. With the fact that only few friends had my number, aside from my relatives, I am sure na walang nagbibigay ng number ko kahit kanino without my consent.

I fell asleep with that thought in mind.

"GOOD morning, Mykaela," Jesster, greeted me. He's standing near the hallway.

"Hi, Jess," I smiled at him.

"Kumusta?" He's always like this. Isa siya sa mga closest friends ni ko. Boy best friend to be exact. He's my cousin sa mother side. Minsan nga ay napagkakamalan kaming magbf-gf, ikinikibit-balikat na lang namin.

"I'm fine."

"What's with the face?" Takang tanong niya. Kahit ako, hindi alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Gloomy?

"Good morning!" My other friends said in unison.

"Arat sa cafeteria," sabi ni Reniz habang hinihimas pa ang tiyan. Napangiti naman kami dahil doon. Medyo jeje talaga siya madalas.

"Hindi ka ba kumain sa inyo?" Tanong ni Ednalyn, my cute friend. She's just 4'8" for a second year college student.

"Wala namang bago diyan eh, palaging gutom," With that remark, we laughed.

"Grabe kayo. Hindi ba puwedeng malaki lang ang capacity ng tiyan ko compared sa inyo?" Pagdadahilan ko pa na muli nilang tinawanan.

"Ok, fine. Pagbigyan ang gutom," sabi naman ni Jesster.

We added in unison, "palagi."

Nagpunta kami sa cafeteria habang masayang nagkukuwentuhan. Pinili namin ang lamesang malapit sa tabing bintana. Jesster pulled me a chair na hindi nakatakas sa paningin nila.

"You know what, kung hindi lang namin alam na magpinsan kayo, mapagkakamalan namin kayong magjowa," -Vin.

"Oo nga," sang-ayon naman nila na ikinangiti na lamang namin ni Jess.

"Order na tayo para makabalik agad tayo sa room natin." Tumayo na sina Vin at Jesster para pumuntang counter.

After few minutes, nakabalik na ang dalawa. Wala kasing masyadong pila dahil vacant hour namin ngayon pero ang ibang students ay may mga class pa.

Me and U (MENTORS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon