TATLUMPU'T DALAWA

6 1 0
                                    

CLOSURE?

I don't know how long I stood there with Maike holding the umbrella for me.

Walang salitaan. Tanging ang unti-unting pagtila ng ulan ang naririnig namin bukod sa pangilan-ngilang sasakyang dumadaan.

"Do you want me to walk you into your house?" Maike broke the silence.

"'Wag na," maikling sagot ko.

"I insist, Myka. Ihahatid na kita," pilit niya. "Look, sobrang taas ng lagnat mo, oh."

Hindi na ako nakipagtalo pa. Hilong-hilo na rin naman ako at alam kong hindi ko na kaya pang maglakad.

MAIKE's POV

Gustong-gusto kong sugurin si Nate dahil sa ginawa niya kay Myka.

How could he hurt her?

Inaalalayan kong maglakad si Myka nang bigla siyang natumba.

"Myka?" Nang hawakan ko ang pisngi niya, sobrang init. Sobrang putla na rin ng mga labi niya. Nilukob ako ng sobrang pag-aalala.

"Sh*t, sh*t!"

Agad kong tinawagan ang driver ko para maihatid namin si Myka sa hospital.

"Kuya, pakibilisan lang po," sabi ko kay Kuya Onel.

Ilang minuto pa'y nasa RBH Hospital na kami.

Ibinaba ko si Myka sa hospital bed at hinayaan ang mga doktor na asikasuhin siya.

Agad ko na ring tinawagan sina Sir Edizon para ipaalam ang lagay niya.

"Hello, Sir?"

"Maike, bakit napatawag ka?" Bungad niya sa akin.

"Sir, si Myka po, dinala ko po sa hospital, sobrang taas po ng lagnat," sabi ko.

"Saang hospital?" Nagmamadaling tanong niya.

"RBH Hospital po."

"Alright. We'll be there in 10 minutes. Huwag mong iiwan ang anak ko, Maike," bilin pa niya.

"Yes, Sir," sagot ko bago ibinaba ang tawag.

I can't afford to lose her again. Not this time. Not again. Not ever.

Maya-maya pa, dumating na sina Sir Edizon.

"Nasaan si Myka?" Bungad niya sa akin.

"She's in her room. Hindi pa lumalabas ang doktor kaya hinihintay ko dito sa labas," paliwanag ko.

"Ano bang nangyari, Maike?" Tanong ni Tita Adriana.

"Naaubutan ko po kasi siya sa may kanto niyo, nagpapakabasa sa ulan. Tapos n'ong nilapitan ko na po, sobrang putla na po niya at sobrang taas ng lagnat. Ihahatid ko na po sana siya sa inyo kaso ay mas mabuti pong dalhin ko na lang siya rito para maobesarbahan ng mga doktor," mahabang paliwanag ko.

"Ang sabi ni Jess, may binalikan lang daw si Myka sa pub kaya siya nahuli. Ano ba talaga ang nagyayari sa batang 'yan?"

Ilang minuto pa, lumabas na rin ang doktor na tumitingin kay Mykaela.

"Doc, how's my daughter?"

"She's suffering from a high fever. Medyo dehydrated din siya. I need to confine her for two days para maobserbahan siya," paliwanag ng doktor.

"Thank you, doc," Tita Adriana said.

Bumaling sa akin si Tito Edizon.

"What do you think you're doing, Maike?" Singhal niya sa akin.

Me and U (MENTORS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon