LABING-ISA

5 3 0
                                    

Pub Office

Pagkagaling sa comfort room ay dumeretso na kami ni Ryan sa library.

Pero nasa may pintuan pa lang kami ay bahagya kaming tumigil.

"Oh, bakit?" Tanong niya.

"May library card ka na ba?"

"Oo," agad niyang sagot bago pumasok sa loob. 

Tsk. Attitude ka, ah. 

Sumunod ako sa kaniya, pagkatapos gawin lahat ng kailangan.

Dala ang notebook, ballpen, cellphone at wallet, tinungo ko ang usual spot ko.

Naupo ako sa upuan sa harap niya bago iniabot ang notebook.

"Basahin mo 'yan. Nandiyan ng lessons na nadiscuss na namin." Kinuha niya naman ito at binuklat.

"You really have a good penmanship, nakakaamaze," kumento niya.

"Tsh. Magbasa ka na nga lang." Sinunod niya naman agad ang sinabi ko.

Nagbabasa ako ng libro tungkol sa history ng China dahil kasama ito sa report na gagawin ko para sa subject na Afro-Asian Literature, nang umilaw ang cellphone ko.

From Unknown:
Are you okay?

Huh???? Pinagsasasabi nito?

To Unknown:
Yeah, I think so?

From Unknown:
I saw you kanina.

To Unknown:
So?

From Unknown:
Why are you so masungit?

To Unknown:
Why are you so conyo?

Napangiti ako. Mas maganda nga yatang makipagkaibigan sa isang estranghero. Walang judgments. Kaya everytime na magkatext o magkatawagan kami, napakakumportable ng pakiramdam ko. Para bang ang gaan lang ng lahat ng bagay.

From Unknown:
Stop smiling, I'm falling.

Nasaan kaya itong ugok na 'to at palaging alam kung anong reaction ko? 

To Unknown:
Uyyy, rhyming. Galing, ah.

From Unknown:
Syempre, ako pa ba?

"Oyy, Miss Lasengga, ang creepy mo, ah," puna ni Ryan.

"Huh?"

"Ay, pavirgin ka, teh? Kanina ka pa ngumingiti d'yan. Tsk."

"W-What? A-Anong pavirgin pinagsasasabi mo?"

Hindi na niya ako pinansin pa bagkus ay nagpatuloy na lamang sa kaniyang pagbabasa...

Maya-maya pa...

"Tsh. Tara na nga. 10 minutes na lang, oh." Dali-dali naming inayos ang gamit namin at isinauli ang libro, bago kami naglog out at nagtungo sa sunod naming subject.

Saktong pagpasok namin ng room, siya namang dating ng Prof namin. Hassle. Major subject na naman.

Gaya ng usual routine, may naglead ng spontaneous prayer bago kami pinaupo.

"Oh, we have a new face here. Please introduce yourself," utos nito kay Ryan.

"Good afternoon, Ma'am. I am Ryan Vincent C. Abueva from Bongabong Campus."

Ang Bongabong Campus ay ang ikatlong campus ng MinSU. Kung ang City Campus ay nasa city proper at nasa hilagang bahagi ng silangang Mindoro, ang Bongabong Campus naman ay nasa timog na bahagi.

"I see. Then why did you transfer here?" Sunod na tanong ni Ma'am Rieth kay Ryan.

"It's because my Dad needs to get his medications here," maikling sagot niya, marahil ay ayaw nang magkuwento pa.

Me and U (MENTORS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon