LABINLIMA

2 3 0
                                    

Crush

Naalimpungatan ako sa tunog ng alarm clock ko. 6:00 pa lang ng umaga pero bumangon na ako para maligo.

Nagbihis ako ng isang loose t-shirt tsaka cycling shorts bago umupo sa harap ng salamin.

Pagkatapos kong magsuklay, hinayaan kong nakalugay ang buhok ko upang natural na matuyo, tutal alas-diyes pa ang pasok ko.

Umupo ako sa kama dala ang cellphone. Ni hindi ko ito nabuksan kagabi.

Bumungad sa akin ang 6 missed calls galing sa taong iyon. Naalala ko nga palang tatawag dapat siya sa akin kagabi pero nawala sa isip ko. Ni hindi ko naramdaman ang pagvibrate nito.

Agad ko siyang tinawagan ngunit nakakailang dial na ako, hindi niya pa rin sinasagot. Isa na lang, kapag hindi niya ito sinagot, ibo-block ko ang number niya.

Tumigil ang pagring ngunit walang nagsalita sa kabilang linya. Sinulyapan ko pa kung sinagot nga niya.

"Hello," sabi ko.

"Bakit?" Iyon ang bungad niya.

"Good morning," bati ko pero wala akong nakuhang sagot. "Hey."

Wala pa rin.

"Ibababa ko na ito kung ayaw mo akong kausapin," panunubok ko sa kaniya.

...

"Ang dami ko pa namang ikukuwento sa'yo," nalulungkot kong wika, bagama't totoo iyon.

"If it is all about that person, nevermind," sa wakas ay nagsalita na rin siya. Hindi ko maipagkakailang namiss ko ang boses niya.

"A-Ano?" Naguguluhang tanong ko.

"Napakamanhid mo," anito.

"Ano bang problema mo, ha?" Di ko na naitago ang iritasyon sa boses ko.

"Your so dumb, Rhenwylle," muling pang-aakusa niya.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"If you have nothing else to say, I'll hang up now."

"W-Wait! Ano ba talagang problema mo at ganito ka? Gusto lang naman kitang makausap."

"For what? Para ipangalandakan mo ang taong iyon? No, thanks."

"Hindi kita maintindihan. Sino ba ang tinutukoy mo? Can you please enlighten me? Kasi gulong-gulo na ako, eh."

"Ito lang ba talaga ang papel ko sa buhay mo? Ang hingahan mo kapag kinakapos ka na ng hangin? Ang bangin kung saan mo isisigaw lahat ng problema mo? Paano naman ako, Rhenwylle? Pinakinggan mo na ba ako?"

"H-Ha! Thank you, ah," I sarcastically said. Pero lahat ng sinasabi niya, tumatagos sa puso ko. Kakaiba.

"Hear me out for once, will you?" Hindi ako nagkumento.

"Ano bang ikinagagalit mo?"

Isang malalim na buntong-hininga ang nakuha kong sagot mula sa kaniya.

"I'm sorry. Alam kong naguguluhan ka na sa 'kin but what can I do? Wala akong ibang pwedeng gawin sa ngayon kundi ang makuntento sa pagmamasid sa'yo sa malayo at makinig sa boses mo, kahit pa nga nasasaktan na ako. But please, Rhenwylle, 'wag naman 'yong ganito," pakiusap niya. Ramdam ko ang emosyong ibinubuhos niya sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

I'm confused. Paanong nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya? Bakit pati ako nasasaktan sa lahat ng sinasabi niya?

"S-Sorry," ang tanging lumabas sa bibig ko. "H-Hindi ko alam."

"Sige na. Magready ka na. May klase ka pa di ba?" Suhestiyon niya.

"Call me again, later. I'll wait," sabi ko bago tinapos ang tawag.

Me and U (MENTORS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon