DALAWAMPU'T APAT

1 3 0
                                    

Know

It's a Monday morning but here I am, walking like a rotten vegetable. Hindi ko kasi maalis sa isip ko ang biglang pagsulpot ni Maike sa bahay.

"Hi, everyone."

Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman kung kaninong boses iyon.

"Maike!" Si Ma'am Leigh agad ang unang bumati sa kaniya. "Buti nakapunta ka?"

"Syempre naman, Ma'am. Hindi ko naman matatanggihan ang imbitasyon mo," nakangiti aniya.

Lumapit siya sa table namin saka iginala ang paningin, tila naghahanap ng mauupuan.

I looked away. Hindi kinakaya ang presensya niya gayundin ang kaniyang mga tingin na batid kong nasa akin sa mga sandaling ito.

Hindi ko siya magawang tingnan hindi dahil sa may nararamdaman pa ako sa kaniya ngunit dahil hindi maalis sa isip ko ang dahilan niya ng pagpunta.

Bukod kasi sa wala nang namamagitan sa aming dalawa, na wala naman talaga sa simula pa lang, wala na din siyang ano mang koneksiyon sa aking pamilya.

Hindi sinasadyang napadako ang mga mata ko sa may gate.

Nangunot ang noo ko. Anong pinag-uusapan nina Jess at Jeike? Bakit ang seryoso nila?

Ilang minuto pa'y bumaling sa akin si Jess saka naglakad palapit. Panay pa rin ang bulongan nila, ngunit animong hindi bumubuka ang bibig nila.

"Jess," wika ko nang makalapit siya.

Humila siya ng upuan saka tumabi sa akin.

Naramdaman kong may humaplos sa buhok ko. Sa marahan ngunit maingat pero saglit na paraan, tiyak akong si Jeike iyon. Hinabol ko siya ng tingin ngunit nakatalikod na siya at patungo kay Harvey. May ibinulong din siya rito. Maya-maya pa'y naglalakad na rin siyang palapit sa puwesto ko.

Bumaling ako kay Jess.

"Anong pinag-usapan niyo?" Kuryusong tanong ko.

"Ikaw," deretsong sagot niya.

"Ha?"

Humila din ng upuan si Harvey saka tumabi rin sa akin.

"Anong binulong niya sa'yo?" Tanong ko.

"Ikaw." Napatanga na lamang ako sa parehong sagot niya.

What the hell is going on, Jeike?

"Enemy spotted," mayabang na sabi ni Harvey saka nakipag-apir kay Jess.

Halos buong gabi kong katabi sina Jess at Harvey sa magkabila kong gilid.

Bukod doon, isa pa sa napapansin ko ay ang pagtatry na lumapit sa akin ni Maike ngunit ni isang saglit ay hindi siya nagtagumpay.

Paano ba nama'y palaging may humaharang sa kaniyang dadaanan kaya't hindi na niya nagagawa pang tumanggi.

Hindi naman sa gusto kong lapitan niya ako dahil ayoko din noon, ngunit labis ko talagang pinagtatakhan ang kilos ng mga kasama ko.

Anong meron?

Hindi ko rin naman matanong si Jeike dahil hindi naman na siya lumapit pa sa puwesto ko.

Buong gabing iyon ang nasa isip ko hanggang sa makatulogan ko na.

"Hoy!"

"A-Ano ba? Bakit ka ba nanggugulat diyan?" Angil ko kay Reniz.

"Paano ba nama'y kanina ka pang tulala riyan. Ano bang iniisip mo at mukhang malalim?" Kuryusong tanong niya.

Me and U (MENTORS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon