LABING-ANIM

3 4 0
                                    

Regalo

Lumipas ang araw at linggo, walang araw na hindi kami nagkakausap ng taong iyon. Ni hindi rin siya nakakalimot magtext. Doo'y naipararamdam niya sa akin ang ano mang emosyong kaniyang nararamdaman.

Hindi ko pa rin maunawaan kung paanong ipaliliwanag kung ano man ang meron kami. Naiinis ako kapag hindi niya sinasagot ang tawag ko. Hindi ko rin sinasagot ang tawag niya kapag nagkakaroon kami ng hindi pagkakaintindihan. Ewan ko ba, pero kung tutuusin, napakaliit lang na bagay ang pinag-aawayan namin, pero parang laging big deal para sa akin.

Tuloy, naayos lamang iyon kapag nagpapadala siya ng kung ano-anong bagay sa akin. Hindi naman ako materialistic na tao pero natutuwa lang talaga ako sa paraan niya ng pakikipag-ayos kahit pa nga hindi naman niya kasalanan.

Unang beses na nagpadeliver siya ay noong huwebes ng hapon, ilang linggo na ang nakakaraan. Aniya'y para iyon sa unang beses na pinagtalunan namin ang taong tinutukoy niya na magpahanggang ngayo'y hindi ko malaman kung sino, kahit pa nga labis kong pinagtakhan kung paano niya ito nakilala. Pinadalhan niya ako ng isang bouquet ng magkahalong white and blue rose. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang gusto kong bulaklak pero hindi na rin ako nagtaka pa.

Sa palagay ko nga'y maaaring may-ari siya ng isang agency o dili naman kaya'y may binayaran siyang imbestigador upang magmanman sa akin.

Binasa ko ang card na nakalakip doon.

I know you'll like this. I'm sorry, love. Let's make it up to our last breath and even beyond that. You have my heart, you know that, right?. I want to hug you right now but we have to wait for the perfect timing. Soon, love.

Napapangiti na lamang ako sa kasweetan niya. Maging ang penmanship niya ay hinangaan ko. Ngunit bakit parang pamilyar ang sulat-kamay na ito?

Noong pangalawang beses na pinadala niya, isang two layer black forest cake ang laman. Dahil naman ito sa pang-aaway ko sa kaniya noong isang linggo dahil hindi niya nasagot ang tawag ko, kahit pa nagsabi siyang nasa isang seminar siya noon. Ngunit dala siguro ng red days, siya ang napagtuonan ko ng iritasyon.

Gaya noong una, namamangha ako dahil napakarami niyang nalalaman tungkol sa akin.

Isang card na naman ang nakalakip sa labas ng box.

Hey, love. I'm sorry for whatever I said that hurts your feelings. I'm sorry for my shortcomings. I can't wait to be with you soon. Take good care of yourself but when the time comes, I will watch and protect you myself.

Pare-pareho ang reaksiyon ko sa mga bagay na ito. Naghuhumerintadong pintig ng puso, pagsilay ng ngiti sa aking labi, at labis na pagkamangha. Kakaiba talaga ang dulot niya.

Sabado ngayon, isang linggo bago ang nalalapit na conference. Nandito kami ngayon sa bahay namin para sa whole day training. Kumpleto ang lahat ng mga kasali pati na rin iyong ibang nais matuto.

Malaking bagay na Dean si Daddy ng college namin kaya naging madali ang paglakad ng mga papel na kailangang permahan ng mga nasa itaas.

Seryoso ang atmosphere sa living room kung nasaan kami. Marahil iyon ay dahil kasama rin namin ngayon sina Ma'am Leigh, Ryan, pati na rin si Sir Nate. Pero namamayani pa rin minsan ang tawanan dahil sa mga banat ni Ryan.

Maya-maya, tumunog ang door bell. Ako na ang nagprisentang magbukas.

"Good afternoon, Ma'am. Kay Miss Rhenwylle Mykaela L. Vilmonte po," sabi ng delivery man.

"Ako po 'yon, kuya."

"May delivery po para sa'yo. Paki-sign na lang po diyan sa baba." Iniabot niya sa akin ang papel saka ko ito pinermahan. Pagkatapos ay ibinigay niya ang isang box sa akin.

Me and U (MENTORS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon