LABINDALAWA

10 3 0
                                    

Kaibigan

Iginiya ako ng taong iyon upang maglakad. Ibinaba niya ang kamay na nakatakip sa aking bibig ngunit hindi ang nasa aking mga mata. Magsasalita na sana ako ngunit may naramdaman akong bagay sa may tagiliran ko.

"Lumakad ka lang, hindi ka masasaktan," wika ng taong iyon sa mababang boses. Wala akong nagawa kundi ang sumunod.

Ang isip ko'y napuno ng takot at pagtatanong. Sino ang taong nasa likod ko ngayon? Wala akong natatandaang may nakaaway dahil kailanma'y wala akong nakasagutang aabot sa ganito.

Marahan akong naglakad bunsod ng takot na madapa. Maya-maya pa ay tumigil na kami sa hindi ko alam na lugar.

'Nakatakip ang mga mata mo, teh!'

Tinanggal nito ang pagkakatakip sa aking mga mata gayundin ang bagay na nakatutok sa aking tagiliran.

May naririnig akong tawanan. Iminulat ko ang aking mata upang makita silang nakaupo sa damuhan at may mga pagkain sa gitna.

Tiningnan ko ang taong nasa likod ko.

"What the hell, Vin?" Pinaghahampas ko siya ngunit sinasalag niya lamang ito habang tumatawa kasabay ng iba pa.

"You should see your face, Myka. Hahahaha!" Dagdag ni Reniz na siyang may pinakamalakas na tawa.

"Come on. Upo na," sabi ni Jess na isinenyas pa ang espasyo sa kaniyang tabi.

Hinawakan ni Vin ang balikat ko at bahagya akong itinutulak.

"Para saan ba 'to?" Takang tanong ko pagkaupo ngunit ang kaninang nakatawa nilang mukha ay naging seryoso na ngayon. Walang nagsasalita. Ang tanging maririnig na lamang ay ang mga kuliglig.

Nasa ilalim kami ng punong mangga, nasa likod ng bahay namin ito, madalas kong tinatambayan kapag gusto kong magpahangin. Tanaw dito ang malawak na palayan. Panahon ngayon ng pagtatanim kaya ang putikang lupa ay naging luntian ngayon. Presko rin ang hangin. Hindi rin nakasasawa ang pagtanaw sa bundok Halcon. Kung araw ay magkahalong bughaw at luntian ang kulay nito, ngunit kapag gabi ay tanging mga ilaw na nagmumula sa mga bahay katulong ang sinag ng buwan ang siyang nagbibigay liwanag dito. Napakapresko ng pakiramdam.

Ngayo'y nakaupo kami sa inilatag na kumot sa damuhan. May nakasabit ring ilaw sa puno ngunit mas lamang ang liwanag na nanggagaling sa buwan.

"Ako na muna," panimula ni Ednalyn. Ang buong atensyon ay itinuon ko sa kaniya.

"Ilang beses na kitang pinaringgan simula kaninang umaga. Hindi ko kasi matanggap na after noong nangyari last Saturday, parang wala ka nang pakialam. I mean, you never contacted us after that. Then Monday came, katabi ka nga namin pero di mo pa rin kami pinapansin then makikita kita having lunch with that transferee instead of us. Tapos, parang ang close niyo na agad, pinahiram mo pa nga ng notes, eh," she wiped the lone tear fell from her eyes.

"Ednalyn," mahinang tawag ko.

"I've been really mean to you, Myka. And I am sorry for that. Can we be friends again through ups and downs?" She sincerely said it while holding my hands.

Sino ba naman ako para tumanggi? Tumango ako. Tumayo siya at yumakap sa akin saka muling bumalik sa pwesto.

Sumunod na nagsalita si Vin.

"Myka, I'm sorry kung napagtaasan kita ng boses last time. Hindi ko na kasi napigil ang sarili ko. Noong nakaraan ko pa kasi napapansin, parang palagi kang wala sa sarili mo. Kami naman ang kasama mo pero maya-maya't ang lingon mo na para bang may hinahanap ka. And I hate to say this pero nagiging selfish ako pagdating sa'yo." Nabigla ako sa sinabi niya. Sana mali ang iniisip ko. "Siguro pagkatapos nito, mas lalong lalayo ang loob mo sa akin pero umaasa akong hindi. Sana."

Me and U (MENTORS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon