LABINGWALO

3 4 0
                                    

Yet

Nagising ako sa ingay ng paligid dahilan upang idilat ko ang aking mata. Masaya na silang nagkukuwentuhan tungkol sa mga magagandang tanawin dito sa Palawan, maging ang kung ano ang maaaring ipasalubong sa pagbalik namin ng Mindoro.

Bahagya akong lumapit kay Keirylle para bumulong.

"Kei, nasaan na ba tayo?"

"Hindi ko rin alam, Ate Myka, eh. Pero sabi ni Sir Nate, malapit na raw." Napatango na lang ako sa sagot niya.

Excited sila na animong hindi ang conference ang ipinunta nila dito. Kahit malalim na ang gabi, hindi ito alintana dahil sa tawanan at biruan sa loob ng van.

Mula sa kaunting ilaw na nanggagaling sa bawat gilid ng van, inilibot ko ang aking paningin. Halos gising na ang lahat ng mga kasama ko.

Nang dumapo ang aking tingin sa dulo ng upuang ito, nasalubong ko ang mga matang iyon. Malinaw sa aking isip ang paraan ng pagtitig niya na gaya ng dati'y nagdudulot sa akin ng kakaibang pakiramdam, at gaya ng dati'y hindi ko na ata kailanman matatagalan. Para akong hinihigop ng kaniyang mga mata sa isang dimensyong siya lang ang nakaaalam.

Ako na mismo ang nag-iwas ng tingin.

Actually, kanina ko pa napapansin ang pagbabago ng mood ni Sir Nate.

Mula sa pagbaba namin sa eroplano, kahit pa nakasalamin siya, hindi maitatago ang pagkakakunot ng kaniyang noo.

Tapos habang naglalakad kami ni Harvey, nagkukuwentuhan kami at nagtatawanan nang biglang sumingit sa gitna namin si Sir Nate. Nagsorry si Harvey na hindi naman dapat kasi sa luwang ng daan, sa gitna pa talaga namin, tapos hindi man lang lumingon. Anong problema niya?

Pagdating namin sa van, tutulungan ko na sana siya sa gamit namin pero parang wala siyang naririnig. Para akong hangin. Nakatulala lang ako doon sa likod at natauhan lang nang tawagin ako ni Harvey.

Ipagsasawalang-bahala ko na lang sana ang lahat ng 'yon pero hindi ko alam kung bakit nababahala ako.

"Myka, tara na," anyaya ni Harvey. Ngayon ko lang napansing kaming dalawa na lang ang nasa loob.

Pagkalabas namin, bumungad ang lamig ng simoy ng hangin. Napahigpit ang kapit ko sa strap ng bag ko.

I felt something covering my shoulders. Isang jacket. Nang tingnan ko kung kanino galing, isang pamilyar na likod lang ang nakita ko. Sir Nate.

Pumasok na kami sa aming kani-kaniyang tutuluyan. Isa siyang bahay na may katamtamang laki.

"Guys, magpahinga na kayo. Bukas ng alas-nuwebe ng umaga magsisimula ang opening program. Kaya dapat ready na kayo. Good night everyone," pagpapaalam ni Ma'am Leigh saka nagtungo sa isang kwarto para ilagay ang gamit.

"Good night, Ma'am," tugon namin.

Nagkaniya-kaniya na kami ng pag-aayos ng gamit. May ibang piniling maglinis muna ng katawan, meron ding humiga na marahil sa pagod sa byahe.

Lumabas muna ako pansamantala, sinalubong ang malamig na hangin, ngunit dahil sa suot na jacket ay hindi ko gaanong ramdam ito.

Pumikit ako. Napakakalmado ng paligid na ang tanging maririnig ay ang huni ng kuliglig at iba pang insekto bukod pa ang mahihinang tawanan ng aking mga kasama.

Nagmulat lamang ako nang maramdamang nagvavibrate ang cellphone ko.

Dad Calling....

"Dad."

"Nakarating na kayo sa tutuluyan niyo?"

"Yes, Dad."

"Alright. Nakausap ko na rin naman si Leigh at si Nate. Sila na ang bahala sa inyo."

Me and U (MENTORS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon