DALAWAMPU'T DALAWA

14 2 0
                                    

Confrontations

RYAN'S POV

"Oh, wala kang gig ngayon?" Bungad ni Kuya saka ipinatong sa mesa ang kaniyang tasa ng kape.

"Kita mong nandito ako, eh di malamang wala," pilosopong sagot ko.

"I am asking you nicely."

"And I am answering you."

"Whatever," pikon na naman siya. Nakatuon ang paningin sa laptop.

"I took a break this weekend. Si Allysa na raw muna ang bahala r'on," walang ano-ano'y sagot ko.

"Ngayon lang 'yan, ah. May iniiwasan ka?" Prankang tanong niya nang hindi tumitingin sa akin.

"It's none of your business, bro. Masama bang magpahinga? Tsaka inimbitahan ako ni Ma'am Leigh bukas," paliwanag ko.

Ayoko talagang nahuhulaan niya ang laman ng isip ko. Madalas kasi'y tama ang mga iyon.

"Sabi mo, eh," kibit-balikat na tugon niya.

"Aishhh. Bakit ba nandito ka? Doon ka nga sa lungga mo," pagtataboy ko sa kaniya. Kapag ganitong wala siyang pasok, madalas na hindi siya lumalabas ng kaniyang kuwarto o dili naman kaya'y may lakad at gabi na bumabalik.

Isa lang naman ang dahilan niya kung bakit niya ginagawa ang mga iyon. At hanggang ngayo'y hindi ko pa rin makuha kung paano niya nagagawang hindi pansinin ang sariling ina.

"I think she already knew," banat niya na nakapagpatigil sa akin.

"Ha?" Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakaintindi ko pero literal 'yong kaba ko.

"Mukhang alam na niya."

Tindi talaga nito. Tinagalog niya lang, eh.

"Anong sabi niya?" Kuryusong tanong ko.

"Wala."

"Anong wala?"

"Hindi pa niya ako kinakausap."

"Tinanong mo na ba?"

"Natatakot ako. Hindi ko alam kung paano siya haharapin."

"She deserves to know."

"May sinabi ba siya sa'yo?"

"Wala pa."

Right at that moment, my phone rings.

Lasengga calling...

Nagkatinginan kami ni Kuya. Sinagot ko ito at iniloud speaker.

"Oyy," bungad ko.

"Pumunta ka bukas." Iyon pa lang ang sinasabi niya pero tumatahip na ng husto ang puso ko.

"Bakit? Anong meron?" Pagmamaang-maangan ko.

"Gusto kitang kausapin," deretsang tanong niya.

"Busy ako, eh. May gig ako bukas," pagdadahilan ko. Magkakrus na ang dalawang daliri ko.

"I already called Aunti Jen and she said you took your break," she said monotonously.

Napatampal na lang ako sa aking noo. Sinenyasan ko si Kuya para humingi ng tulong ngunit maging siya'y nakatitig lamang. Hindi alam ang gagawin.

"Y-Yes. That's right. Pero may lakad kasi ako bukas. Importante." I made my hands crossed. I'm really sorry, Lord.

"Alright," pinal na sagot niya. Ngunit hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, alam niyang nagsisinungaling ako.

Si Myka kasi 'yong tipo ng babae na deretsang magsalita. She never likes to beat around the bush. At kapag tiningnan ka na niya sa mata at nahimigan ang tono ng boses mo, wala ka nang magagawa pa kundi ang magsabi ng totoo. I don't know if she has psychic skills but she's like that.

Me and U (MENTORS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon