TATLUMPU'T ISA

4 1 0
                                    

Issue

"Neng, ayos lang ba kayo ni ano?" bulong ni Ednalyn sa akin. Batid kong si Jeike ang tinutukoy niya.

"Oo naman. Bakit mo naitanong?"

May inginunguso siya sa likuran ko pero parang alam ko na kung sino. Nandito kami ngayon sa cafeteria para maglunch.

"Bakit magkasama sina Ms. Astrid at Sir Nate?" kuryusong tanong ni Reniz.

"Mukhang hindi lang sila basta magco-teachers, ah. Kung hindi ko alam na kayo, aakalain kong may relasyon silang dalawa," mahabang litanya ni Vin.

"What do you want me to do?" I asked, they stilled. "Wala naman akong magagawa sa kung anong iisipin ng iba. With regards to our situation right now, the best thing I could do is to trust him."

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko nakukumbinsi ang sarili kong wala silang ginagawang masama. Pero hindi ko talaga maiwasang magselos. Dapat kasi nagagawa din namin ang mga bagay na gan'on. But what can I do? We are in a situation where being close to each other might trigger an issue. 

"Myka, para sa'yo daw," abot sa akin ni Ate Anna ng isang bottled juice.

"Salamat, Ate," sabi ko saka siya ngumiti bago umalis.

"Naks, sana all may nagbibigay ng juice," tukso ni Reniz.

"Kuripot kasi ni Kapitan sa'yo," balik na tukso ni Vin kay Reniz.

"Heh! Shut up," aniya na ikinatawa namin. 

May nakadikit na note sa basong juice. Dagli ko 'yong kinuha saka pinakatitigan.

I love you so much. 

Napangiti ako sa simpleng note na iyon. It just lighten up my mood.

Nilingon ko si Jeike na nasa sunod na table namin. Ngunit iba ang nakita kong emosyon sa mukha niya. Nakakunot ang kaniyang mga kilay, waring nagagalit sa hindi ko malamang dahilan. 

I texted him right away asking if he has a problem. Wala akong na-receive na reply mula sa kaniya na muli kong ipinagtaka. Nahabol ko na lamang siyang tumayo at umalis nang hindi man lang lumilingon sa akin. 

"Hala, neng, bakit ang cold ng aura n'on?" tanong ni Reniz. 

Wala akong nasagot sa kaniya. Maging ako'y naguguluhan na rin. Hindi ba't ako dapat ang magtampo dahil sa ikinikilos niya? Bakit gan'on ang iniaasta niya?

"May problema kayo?" tanong ni Ednalyn.

"Hindi ko alam," nanlulumong sagot ko. 

"Guys, I think we need to go. Magta-time na," ani Ryan. 

Bumalik na kami sa room for our next subject. Kundi pa ako kakalabitin ni Vin sa tuwing nagdidiscuss ang prof namin, pihadong napagalitan na ako. 

Natapos ang maghapong 'yon nang hindi ko nalalaman. Nakauwi na ako at lahat, hindi ko maramdaman ang kilig na dapat ay maramdaman ko dahil sa maliit na note na 'yon.

Kinuha ko ang cellphone ko. Wala pa ring message galing kay Jeike. 

Hmmmmp. Kung ano man ang reason mo, bahala ka na. Magsama kayo ng Astrid na 'yon. 

I took a photo of that note and posted it on my IG. I put a text in a small font on the downright corner. I love you too. Miss you, love. 

Wala pang sampung minuto, nagsunod-sunod na ang notifications ko.

Comments:

calvindelgado_20: huyyyy...dinadaga na ako sa ka-chessyhan niyo.

linayao_reniz03: ang mga langggaaaammmm....

Me and U (MENTORS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon