DALAWAMPU'T LIMA

5 3 0
                                    

Fear

It's been three months nang maging kami ni Rhenwylle. I never imagined that she will love me, too, like I do.

Matagal ko na siyang kilala, simula Grade 3 siya, at ako nama'y Grade 5. Alam kong hindi niya ako natatandaan dahil bukod sa saglit lamang ang interaksiyon namin noon, may umangkin na rin ng aking katauhan sa kaniya.

Anyway, since nang naging kami, we've never been alone together. Laging kasama namin ang mga kaibigan niya. Rhenwylle and I already talked about this and we both agreed with this set up.

Gustuhin ko mang mapag-isa kaming dalawa, hindi maaari. Ngunit ipinangako ko sa aking sarili na hahanap ako ng paraan para mabigay at maiparamdam sa kaniya na espesyal siyang babae.

Masaya naman kami. We always find time to talk to each other.

But this past few days, she became very distant. Pinalalampas ko lang dahil akala ko dahil lang iyon sa mood swing niya pero ang hindi ko nagugustuhan ay ang pagbibigay niya sa akin ng cold treatment.

"Ms. Vilmonte, stay for a while," I said, hoping na kausapin niya ako.

Ngunit mas lalo ko lamang nahinuha na may problema nga kami.

"What's the problem?" lakas-loob na tanong ko ngunit nilampasan niya lamang ako.

"Love," I called her once again, and then she faced me.

"Let's just talk some other time," she said nefore she left me cliff hanging.

Gusto ko siyang habulin para tanungin kung anong problema pero pinigilan ko ang aking sarili.

'Love, anong problema?'

I heaved a sigh.

I gather all of my things with a heavy heart.

Habang naglalakad patungong faculty, tintetext ko si Rhenwylle. I don't know what's wrong, pero kinakabahan ako.

To: 💜Love💜
Let's talk, please?

I waited for her reply but until I arrived in the faculty, there's none.

Ilang minuto pa akong nagtagal doon.

"Sir Nate, let's go," anyaya ni Sir Kimpee.

"You go ahead, Sir. May tatapusin lang ako," pagdadahilan ko.

Tumango naman sila saka naunang lumabas at umuwi.

Tinatawagan ko si Rhenwylle ngunit hindi niya sinasagot.

"Answer your phone!"

After my 6th attempt, I decided to go straight to her.

Mabilis ang kilos na isinukbit ang aking bag, saka ako dumeretso sa parking lot.

Pinatunog ko ang aking sasakyan saka akmang sasakay na nang may humawak sa aking braso.

"Where do you think you're going?" Aniya.

"Fuck off, Maike."

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo kay Mykaela?" Sa tanong pa lang niyang iyon, nag-init na agad ang ulo ko.

"It's none of your business. Back off," banta ko sa kaniya.

"It is my business because it is Mykaela we are talking about!" I already have a clue why he is acting this way but I just choose not to give a damn.

"Pwede ba, Maike? Wala akong panahon sa'yo," I tried to ignore him but he's persistent to the point of pissing me off.

This time, he grabbed my collar. I smirked at him.

Me and U (MENTORS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon