ANIM

8 4 0
                                    

Pretend

Nakadungaw ako sa may bintana ng kitchen kung saan iniaabot ni Nanay Isabel ang mga order. Nakikipagkuwentuhan ako tungkol sa mga nangyari noong bata pa lang ako at walang muwang.

"Totoo 'yon. Ni ayaw mo ngang bumitaw sa iyong ina tuwing ika'y natutulog. Para kang tarsier," at dinugtungan pa niya iyon ng tawa.

"Syempre naman, 'Nay, baka iwanan ako ni Mommy eh," pangangatwiran ko ngunit ang sinasabi niyang iyon ay hindi ko matandaan.

"Paano mo naman nasabi iyan, eh, isang taon ka pa lamang noon at tiyak kong hindi mo iyon maaalala, pero isa lang ang sigurado, ang cute mo noon," pambobola pa niya na sinimangutan ko na lang.

"'Nay, naman."

"O, siya, ihatid mo na ito doon sa table ng mga kaibigan mo," sabay abot ng isang tray ng pagkain.

"Po? Pero naihatid ko na po 'yong sa kanila, ah?" Takang tanong ko dahil maski ang pagkain ni Jess ay kasama na doon sa inihatid ko kanina. Pero hindi ako sinagot ni Nanay Isabel, kaya kinuha ko na ang tray at dinala kina Reniz.

Masaya silang nagkukwentuhan at nagtatawanan ng bahagya akong makalapit sa kanila. Bakit nga ba nawaglit sa isip ko na dito rin nakaupo si Sir Nate.

"Oh, Myka," bati ni Vin sa akin dahilan upang lumingon silang lahat sa akin.

"Let me help you," sabi ni Sir na hindi ko namalayang nakatayo na at nakahawak na rin sa tray. Nariyan ang bahagyang paglapat ng kaniyang hinlalaki sa aking kamay kasabay ng isang sulyap mula sa kaniya.

"Okay ka lang?" Tanong nito sa akin at inagaw ang tray upang ilapag sa lamesa.

"A-ah, opo, okay lang ako." Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa pagkautal. 

"Take a seat first, Myka. Wala pa naman masyadong costumer eh," anyaya ni Reniz. Dahil ayaw ko nang mapahiya, umupo na lang ako sa tabi ni Jesster.

"Hey, Jess," bulong ko kahit nasa akin na ang atensyon niya.

"Oh," maikling sagot niya.

"May hindi ka sinasabi sa akin," bulong ko muli sa kaniya.

"Ano naman?" Balik niyang tanong na animong naguhuluhan.

"Ewan ko sa'yo. Hindi mo pa nga sinasabi eh," pigil ang tawa ko dahil halata sa kaniya na nag-iisip siya.

"Ano nga 'yon?" He snorted. Doon ko na pinakawalan ang ngiti ko na mas lalo niyang ikinairita. "W-what?" I smiled at him widely.

"Sige lang, Jesster, magmaang-maangan ka lang," I teased him more.

"Rhenwylle, what is it?" Oh-oh, nagagalit na siya. 

"Oy, Ms. Rhenwylle Mykaela L. Vilmonte and Mr. Jesster M. Vilmonte, care to share something with us?" Asked Reniz na parang teacher lang na nahuli ang kaniyang mga estudyanteng hindi nakikinig.

"Oo nga, nandito kami oh," iminuwestra pa ni Ednalyn ang kaniyang mga kamay.

"Share naman d'yan. Nakakahiya kay Sir, oh," kumento ni Reniz pagkatapos tingnan si Sir Nate kaya maging ako'y napatingin dito. Nakatungo ng bahagya habang hawak ang kutsara't tinidor sa magkabilang kamay. Parang may malalim na iniisip ngunit hindi nakatakas sa akin ang pagkaseryoso ng kaniyang mukha. 'Yong tipong masisindak ka kapag ikaw ang tiningnan ng ganoon.

"W-wala 'yon. Inaasar ko lang si Jess," pagdadahilan ko.

"Wushuuu, may sariling mundo na naman kayo," Reniz remarked on what I said.

"I-I'm sorry, Sir Nate," hinging paumanhin ko rito ngunit ayon na naman ang pagkautal ko. Kahit hindi ko naman talaga alam ang dahilan kung bakit kailangan kong ihingi iyon ng tawad.

Me and U (MENTORS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon