LEVEL 3 pt. 5

8.8K 154 9
                                    

[Level 3 pt. 5]

 

Wendy’s POV

 

Nagising ako kalagitnaan ng gabi. Nasa kwarto kami na mama ng mga katulong.

Narinig kong nagbagsakan ang mga kaldero’t kung anu-ano pa sa kusina pero akala ko ay nananaginip lang ako.

Ngunit ng magising ako kinabukasan para pumasok sa school kahit na puno ng pasa ang katawan ko, naabutan ko si mama na umiiyak. Wala na kasing natirang pagkain, lahat nakabagsak sa sahig.

Si papa naman, umalis na lang papuntang trabaho sa manila sa isang Metal Corporation.

Sa pag-alis niyang yun, dalawang linggo namin siyang hindi nakita. Pagkalipas ng panahong iyon, umuwi  dahilan para maging battered child na naman ako.

Minsang hindi ako nakapaghugas ng plato ay sinampal ulit ako ni papa. Isang linggo ang nakakalipas, he got injured. Sabi niya, “parang may tumulak sa akin.”

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kasiyahan noon. Ni di ko makuhang maawa sa kanya.

Lumipas uli ang panahon at nagka-isip na ako. Doon nga, lumipatkami sa Apartment Calamansi. Hindi na namin kasama si papa na lubos na ipinagpasalamat ko...

May babae na pala si papa. Matagal na. May mga patunay pa.

“Lumayas ka, papa! Hindi namin kayo kailangan!” pagpapalayas ko kay papa.

Umiiyak siya.

Sa unang pagkakataon, nakita ko siyang umiyak.

“Hindi ko akalain na isang taong batong gaya mo ay umiiyak din pala,” nanunuyang sabi ko, “pero sa tingin mo, mababalik niyan ang dati?” parang may sumanib sa akin at kasabay nun ay ang tawang naririnig ko mula sa kung saan.

Yung boses na pamilyar sa aking pandinig ngunit di ko makita ang kanyang mukha. Si Ate Angel yun... yun ang nasa isip ko.

Di umalis si papa kahit na ang cold na ng treatment ko sa kanya. Kung dati ay ako ang inaalila niya, ngayon ay siya na. hindi siya makakontra sa akin, hindi niya ako makuhang pagalitan. Ni tingnan siya ay di ko masikmura.

After a month, na-mild stroke siya.

Naawa naman ako pero naisip ko rin minsan na maaaring parusa na niya iyon sa sobrang kasamaan niya. Hindi na namin siya pinilit paalisin.

Isang araw, narinig kong tumatawag si papa.

“Wendy, gu-gusto kong mag-CR...”

 

Hindi ako sumagot pero may naririnig akong tawa mula sa kwarto ni papa. Tawa na parang nasisiyahan pa sa paghihirap ni papa. Gustung-gusto kong sabayan ang tawa na iyon kung hindi lang magagalit si mama.

These are Horror Stories, DearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon