Sister Helena (an entry to a contest)

9.4K 124 27
                                    

Sikat ang pangalang “Sister Helena” sa bayan ng Antique hindi dahil  sa maraming nagawang kabutihan ang naturang madre kundi dahil sa hindi maipaliwanag na pagkawala nito at bali-balitang pagpapakita nito hindi lamang sa simbahan kundi pati na rin sa bahay-ampunan na pinaglalagian nito noong nabubuhay pa. Madalas panakot ang kwento ni Sister Helena sa mga bata lalung-lalo na sa mga nasa bahay-ampunan.

Unang bersyon ng kwento ni Sister Helena:

Isang makulimlim na umaga ang bumungad sa akin paglabas ko ng maliit na kwarto. “Magandang umaga, father,” bati ko sa kay Father Romulo nang makasalubong ko siya. Nilagpasan lang niya ako na nakapagpailing sa akin.

Nakatira kami sa isang hindi-kalakihang bahay-ampunan na pagmamay-ari ng simbahan. Isa din akong laki sa bahay-ampunang iyon at kahit pwede na akong umalis ay hindi ko ginawa. Napamahal na sa akin ang lugar na iyon at marami na rin akong nakilalang mga tao doon.

Nagtungo ako sa kusina at nakita si Minda, ang tagaluto sa bahay-ampunan. “Kape?” tanong niya sa akin na tinanguan ko lang. Ipinagtimpla nga niya ako.

“Salamat,” tinaas ko pa ang tasa saka dumaan sa likurang pintuan para pumunta sa hardin. May maliit na taniman ako doon ng mga namumulaklak na halaman. “Arnie?” kumunot ang noo ko nang makita ang batang bago pa lang sa bahay-ampunan, mag-iisang linggo pa lamang siguro siya. Paikut-ikot siya sa puno ng akasya. “Arnie,” tawag kong muli at sa pagkakataong iyon ay tumigil na siya’t lumapit sa akin. “Ang aga mo yatang nagising?” puna ko sa kanya. Baka wala pang alas-sais ng umaga.

“Kalaro ko po si Sister---“

“Naku, Arnie! Nandiyan ka lang pala!” dagliang lumapit sa amin si Sister Marissa, ang tumatayong ina ng lahat ng mga bata doon. Bagay na bagay maging madre kasi napakahaba talaga ng pasensya niya. “Akala ko kung saan ka na nagsususuot, halika na’t maliligo pa kayo, mag-a-agahan na rin tayo mamaya,” yumukod pa si Sister Marissa sa akin bago niyakag ang bata.

Nangunot na lang ang noo ko nang maalala ang sinabi nang bata. Hindi niya natuloy, tanging ‘Sister’ lang ang nabanggit niya. Lumingon ako sa puno ng akasya. Muling nagsalubong ang mga kilay ko nang makakita ako nang parang nagtago sa likod ng puno. Lumapit ako doon, parang may kumakaluskos at umuungol. Hindi ko alam kung bakit pero parang naginginig na rin ang mga kamay ko, pati kape ay nagsitapon na rin pero patuloy pa rin ako sa paglapit. Nang sumilip ako sa kabilang bahagi ng puno ay wala naman akong nakita. Humangin na lang ng hindi kalakasan. “Psh, tinatakot mo lang ang sarili mo, Berto,” natatawang kutya ko sa sarili.

Sinimulan ko na ang pag-aayos sa hardin sa punto ring iyon. Maganda ang panahon para magtanim.

“Kuya Berto, laro tayo!” ani ni Jobet, ang pinakamakulit na bata doon. Tapos na sigurong mag-agahan ang mga ito kaya naisipang maglaro na naman sa hardin. Madalas na nasisira nila ang mga pananim ko pero anong magagawa ko? Wala namang playground ang bahay-ampunan, maliit lang ang espasyong maaari nilang paglaruan.

“Kayo na lang, ‘wag niyong tatapakan ‘yung nabakuran sa may puno ng akasya, ha? May tinanim doon si Father Romulo. At may nakabaon doon.”

These are Horror Stories, DearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon