LEVEL 3 pt. 2

9.4K 164 16
                                    

[Level 3 pt. 2]

 

Wendy’s POV

 

Kinabukasan, maaga akong nagising kasi di talaga ako nakatulog ng maayos.

“Kumain ka na,” sabi ni mama. “Wag mo na lang titignan yung babae sa banyo, maligo ka na lang ng mabilis, di ka nun hahawakan o kakausapin,” patuloy pa niya.

Napalunok ako.

Pagkatapos kong kumain ay nagpunta agad ako sa CR. Smoke Glass ang pinto ng CR namin kaya makikita kung meh tao ba sa loob niyon o wala at sa pagkakataong iyon, meron... pero hindi na siya buhay.

Pikit-matang pumasok ako.

Naligo ako at nararamdaman kong sinusundan lang niya ako ng tingin. Nakaka-conscious kasi pakiramdam ko ay naghuhubad ako sa harapan ng ibang tao pero dahil sinabi ni mama na wag ko na lang pansinin ang babaeng yun, pinagpatuloy ko na lang ang paliligo.

“Ma, alis na ako,” nag-kiss pa ako sa cheeks ni mama.

Naghintay ako ng bus sa loading zone na di naman kalayuan sa bahay. Parang may nakasubaybay sa akin. Hanggang sa pag-upo ko sa bus ay parang may tumabi sa akin.

“Makikiupo po---“

 

“Ahy, may kasama po ako,” agad kong sabi sabay harang dun sa upuan sa tabi ko. Wala talagang uupo dun pero alam kong may hindi nakikitang nakaupo doon.

Alam kong yung babaeng nakaitim ang sumusunod sa akin kasi kapag bigla-bigla akong lilingon o titingin sa tabi ko ay mahuhuli ko ang malabong imahe niya.

Bumaba ako sa harap mismo ng school.

Maraming estudyante... pero marami ding gustong maging estudyante.

“Oy, ayos ka lang ba?”

 

“Ha? Ikaw pala yan,” si Beatrice or Ice (Is). Tumatagos ang tingin ko sa kanya.

Paano ba naman kasi, may batang lalakeng nakakapit sa balikat niya, puti ang mga mata at parang naiipon ang dugo sa mukha niya, nakasilip lang siya sa likod ng ulo ni Bea.

>///<

“Oy, Weng, wag ka namang ganyan, tinatakot mo ako eh! Ano na namang nakikita mo?” siniko pa niya ako. Minsan kasi, sinabihan ko siyang may isang babaeng sumusunod sa kanya kahit saan siya magpunta at pagkalipas ng dalawang araw, namatay ang pinsan niya sa probinsiya.

Tinignan ko siya na parang nag-papaunawa, “may buntis ba sa pamilya niyo? O bata?”

These are Horror Stories, DearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon