[Level 3 pt. 3]
Wendy’s POV
Dahan-dahan akong bumaba ng kama para hindi magising ang mga kasama ko. Hindi kasi sila sasabay sa akin sa simbang gabi kasi pagod daw sila kaya ako na lang mag-isa ang pupunta.
Lumabas ako ng apartment at pababa na ako ng hagdan. May kukunin lang sana ako sa ibaba.
Nasa kalagitnaang parte na ako nang makarinig ako ng parang umiiyak.
Tinalunton ko ang pinanggagalingan ng iyak na iyon. Naninindig na ang balahibo ko pero hindi yun dahil sa hangin na ng Disyembre yun kundi iba ang laman ng hangin na iyon.
Patuloy lang ako sa dahan-dahang pagbaba ng hagdan.
Ipinagsasawalang-bahala ko na lang ang iyak.
Sa hagdan, makikita mo yung bintana tapos bubong na ang kasunod niyon.
Napatingin ako doon.
May nakatayo. Lalake. Hindi makita ang mukha pero mababakat ang ngiti sa labi.
Nakatitig lang ako kasi bilang kagigisng lang, di pa masyadong gumagana ang utak ko.
Hanggang sa mapagtanto kong nakikipagtitigan ako sa isang lalakeng multo.
Tumakbo agad ako paakyat. Kahit di na ako mag-attend ng simabng gabi, okay lang, basta wag lang ulit ako makakakita ng ganun.
“Hmm, Wendy, di ka ba makikisimbang gabi?” si Tita iyon.
Paakyat na ako sa taas ng double-deck. “Hindi na po,” umiling-iling ako.
Nakahiga na lang ako sa kama.
Nag-iisip.
Ng biglang yumugyog ang double-deck na parang may sumampa doon.
Tumingin ako sa ibaba, si Tita, inaayos ang pagkakahiga.
“Oh, gising ka na pala? Di ka ba magssisimbang gabi?” tanong niya sa akin.
“Po? Di po ba tinanong niyo na yan sa akin kanina?” naguguluha ako. Sigurado ako siya yung nagsalita kanina eh, siya yung nakausap ko.
Kumunot ang noo niya, “kagagaling ko lang sa CR, napansin ko nga kaninang bumangon ka eh. Akala ko nga naliligo ka na.”
“Eh sino po yung nakausap ko kanina?”
“Ahysus bata ka, matulog ka na lang.”
Nagbalik ako sa pagkakahiga.
Himbing na himbing naman si mama sa pagkakatulog kasi bukas ay lilipad siya papuntang Germany.
Napalunok na lang ako.
“In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit---“
“Wag mong itutuloy...”
Nung ilalapat ko na sana ang daliri ko sa labi ko ay may pumigil sa kamay ko.
Yung babaeng nagtatanong kung bakit ko sila iniiwasan.
Parang nakalutong siya sa hangin, nasa gilid ko siya at kalahati lang ng katawan niya ang nakikita ko.
Ayaw niyang ipagpatuloy ko ang pagdarasal.
Naiiyak ako at gusto ko ng sumigaw pero paarang walang boses na lumalabas sa bibig ko. Nahihirapan na rin akong huminga.
“Wag mong itutuloy...”
Pilit kong hinila ang kamay ko hanggang sa mailapat ko sa labi ko ang daliri ko.
Dun ay nawala na siya.
Bumigay na rin ang luha kong kanina ko pa kinikimkim.
Impit na lang akong napaiyak. Ayokong malaman to ni mama, baka di siya matuloy sa pagpunta sa Germany kung ganun.
***
Author: Ahemp. Lights on. XD
BINABASA MO ANG
These are Horror Stories, Dear
Mystery / Thriller☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ The title says it all. ---FINISHED--- EijeiMeyou®