Magnolia’s POV
“Simple," 'yan ang pagkakadescribe ko sa nilipatan naming bahay. 13 years old pa lang ako at kaisa-isang anak.
“'Ma, saan ang kuwarto ko?” I asked my mom.
“Sa itaas, magpasama ka na lang kay Ate Meriam mo.”
Taga-roon si ate Meriam, pinsan siya ng pinagbilhan namin ng bahay at yaya din namin siya. Dalaga pa lang si ate Meriam kaya madali kong nakagaanan ng loob.
“'Eto ang kuwarto mo,” sabi niya sakin pagkabukas sa pinto ng kuwarto. Bumulaga sa amin ang walang kalaman-laman na kuwarto kundi tanging single bed lang, tumatagos ang sinag ng araw sa isang malaking bintana na wala man lang kurtina.
"Simple lang talaga, ano?”
Naglakad papasok sa kuwarto si ate Meriam at tumapat sa bintana, “alam mo raw dito, kapag bago ka pa lang, may bibisita sa 'yo. Kapag gabi, tumitig ka raw sa malayo at may makikita kang babaeng nakalutang.”
“Hala, wala namang ganyanan, Ate!” likas talaga akong matatakutin, “lagyan mo po 'yan ng kurtina para 'di ko makita 'yang babaeng sinasabi mo!”
Kinagabihan, pinilit ko sina Mama na patabihin ako sa kanila ni papa. Ayaw naman ni papa kasi hassle daw kung makikiipit pa ako sa kanila. Sa gitna ako pumuwesto.
Mga 11:30 PM nang maramdaman kong tinutulak ako ni papa.
“Lia, lumabas ka nga, humingi ka na lang ng bedsheet kay Ate Meriam mo at maglatag ka sa baba,” halatang inaantok pa ang boses ni papa.
Wala na akong nagawa kundi sundin siya para naman hindi ako matulak-tulak hanggang umaga.
Pagewang-gewang pa akong bumangon at nagsuot ng tsinelas ko. Sa kabilang kwarto lang naman ang kwarto ni ate Meriam, nakabukas ang pinto niya kaya pumasok na lang ako.
“Ate, pahingi raw po ako ng bedsheet sabi ni Papa...” niyugyog ko pa siya, “Ate, gumising ka muna.”
“Ano? Teka...” binuksan muna niya ang ilaw.
Nasa hamba lang ako ng pinto habang hinihintay ang bedsheet. Paglingon ko ay nakita ko ang kuwarto ko, nakabukas ng bahagya ang pinto at medyo maliwanag doon dahil sa sinag ng buwan. Nalimutan ko sigurong isara ang pinto kanina. Naglakad ako palapit sa kuwarto ko. Mas nilawakan ko pa ang pagkakabukas ng pinto.
Nakita kong may puting kurtina na ang nasa bintana, hindi pa masyadong natatakpan ang buong bintana dahil sa maiksi lang iyon. Kung bakit ba naman kasi puti pa kung puwede namang ibang kulay na lang.
Lumapit ako sa bintana at hinawi ang tela. Napalunok ako ng maalala ang sinabi ni Ate Meriam. Tumingin ako sa malayo sa pagbabaka-sakaling mayroon nga akong makita. Pero ilang saglit na ang nakakalipas pero wala pa ring babaeng lumitaw. Luminga-linga pa ako bago napatawa sa sarili ko.
“Lia.”
Narinig kong tinatawag na ako ni Ate Meriam kaya inayos ko na muli yung kurtina at nagbalik sa kuwarto ni Ate. Inabot nya sa kin ang bedsheet.
“'Kaw, ate, ha,” natatawang sabi ko sa kanya.
“Ha? Bakit?”
“Wala namang babaeng lumitaw, eh!” binuntutan ko pa iyon ng tawa.
“At paano mo naman nasabing wala nga?”
“Paano, nilapitan ko pa ang bintana at hinawi ang puting kurtina pero wala namang babaeng lumutang. Binibiro mo ako, eh.”
Nagtatakang tumingin sa akin si ate Meriam, “kurtina ba kamo?”
“Opo.”
“Lia, wala pa akong kurtinang kinakabit doon.”
***
Author’s Note: ALAM NIYO BANG MAILILIGTAS KAYO NG AUTHOR'S NOTE SA PAGCO-COMMENT NG KUNG ANU-ANO? Kinuwento lang po ito sa akin dahil likas pong makuwento ang mga kasama ko sa paaralan. Nakuha mo ba? KINUWENTO. KINUWENTO. KINUWENTO. Anong magagawa ko kung may pagkakapareho sa ibang churva diyan, 'di ba? Sinabi na ngang KINUWENTO lang, eh. Hindi ko naman ina-ari, 'di ba?! Kaya puwedeng tumahimik ka na lang?
Kung kilala mo ako, hindi ako ganito magsalita. Pero dahil may mga EWAN diyan, heto, iba na ang tono ko. Takte kasi. Nakakainis lang. KINUWENTO nga di ba. I KNOW WHAT KIND OF WRITER AM I. You got me? So, if you still don't, talk to me, I'll give you free passes to hell.
BINABASA MO ANG
These are Horror Stories, Dear
Mystery / Thriller☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ The title says it all. ---FINISHED--- EijeiMeyou®