Float

5.8K 92 1
                                    

GIRL

Riz’s POV

Kelangang magmadali, late na! Di pa ako nakakauwi! Kung bakit ba naman kasi sa third floor pa ang library! Kakainis.

Tumingin ako sa orasan ko, shemays! 6:45 pm na! Wala na akong sundo, kelangan ng mag-bus pauwi.

Sa pagmamadali ko pagbaba ng hagdan ay nabitawan ko ang mga hawak ko.

“Wow naman! Ang saya saya!” sarkastikong sabi ko.

Kung kelan ako nagmamadali ay saka naman nangyayari to sa akin.

May naririnig akong nagtatawanan.

Ayos, may mga kasama pa rin naman ako kahit papano sa school. Hihintayin ko na lang sana ang librarian kanina ang kaso ay matagal pa daw siya kaya kahit natatakot ako na bumaba mag-isa ay ginawa ko na lang.

“Kung kelangan ng project, magre-research, bawal ang net, bawal ang lahat! Dapat libro blah blah blah,” litanya ko habang nagpupulot. Buset lang talaga.

Nakarinig ako ng pagsara ng pinto.

*Laughs*

*Laughs*

Pababa na ng hagdan kung saan ako naroon ang mga estudyante. Tinignan lang nila ako at tinalikuran na. Psh. Mga tourism students pala, ano naman ang aasahan ko sa kanila? Matataray sila eh.

Nagpatuloy ako sa pagpupulot.

Unti unti ng nawala ang naririnig kong tawanan. Hanggang sa nawala na talaga.

Nakarinig na naman ako ng pagbukas at pagsara ng pinto.

So, hindi pa lang pala ang mga tourism students ang huling nasa school? Ayos! 

Ilang papel na lang ang kailangan kong pulutin.

Mga yabag papalapit...

Nakarinig ako ng pagpulot... mula sa pagkakayuko dahil nagpupulot ako ay may nakita akong paa. Di ko matignan ang mukha kasi nga nakayuko ako.

“Miss...”

Siya yun.

Umangat ako, inayos ko muna ang mga papel na hawa ko, “salamat,” sabi ko at tumingin na sa kanya.

“Nahulog mo...”

“Ahh!”

Oo!

Estudyante sya pero may estudyante bang basag ang mukha?!

Mula sa basag ng kanyang noo hanggang sa ibaba ng labi niya ay umaagos ang mayamang dugo. Pumapatak iyon sa sahig... maging sa papel na pinulot niya!

Hindi ko na alam ang nangyari. Nawalan na lang ako ng ulirat.

*** 

Miss... Miss...”

Napakurap-kurap ako.

Ang sakit ng likod ko. Nakahiga pala ako sa sahig at sobrang dumi na ng pisngi ko.

“Anong nangyari sayo?”

“Po?”

“Eh nakita ka ng librarian na nakahiga dito, anong nangyari sa iyo?” tanong ulit ni manong guard na siyang gumigising pa sa akin kanina.

Sa likod ni manong guard ay yung librarian.

Napatingin ako sa orasan ko. 7:13 na! “Kelangan ko na pong umuwi!” sabi ko agad.

Nagpasalamat ako sa kanila. Nasa third floor pa rin ako.

Tumakbo agad ako sa hagdan.

Nagmamadali...

“Miss...”

Pagbaba ko ng hagdan papuntang second floor ay may narinig akong tumawag sa akin.

Lumingon ako na medyo nanginginig pa... pamilyar sa akin ang boses na iyon!

“Nahulog mo...”

At may pinakita siya sa aking papel na may bahid ng dugo mula sa basag niyang mukha!

These are Horror Stories, DearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon