[Level 3 pt. 1]
Wendy’s POV
“Ma, we’re going again?” tinignan ko si mama. Kung maaari lang, ayoko ng sumama kay mama sa pinagta-trabahuan niya.
Tinignan niya ako sa pagitan ng ginagawa niyang pag-aayos sa mga gamit na dadalhin namin, “Wendy, hindi kita pwedeng iwan dito mag-isa.”
Tumango na lang ako.
I understand her totally.
The last time she left me alone at the apartment was three weeks ago and I almost got myself killed. I just saw a GHOST standing in front of me while blood is dripping from his nose and pointing his fingertips to me. Nagulat ako, siyempre, bago pa lang kami sa apartment na iyon at hindi ko akalaing makakaranas pa rin ako ng mga ganung pangyayari.
Ikalimang lipat na namin yun sa loob ng tatlong buwan at ang madalas na dahilan: “GHOSTS ARE FOLLOWING US.”
“Stand up, lady, late na tayo.”
Wala akong nagawa kundi sundin siya. Mas nauna siyang lumabas ng apartment at ako ang nagsara ng pinto.
Bago ko masara ng tuluyan ang pinto ay biglang may humawak sa kamay ko mula sa loob ng bahay.
O.O
“Bakit mo kami iniiwasan...”
“Ma!” sumigaw ako at pilit na hinila ang kamay ko.
Napaupo ako sa sahig at awtomatikong nagsara ang pintuan ng apartment.
Tumingin ako sa paligid, nakita kong napatigil sa pagbaba ng hagdan si mama. Nasa 2nd floor kasi kami at nasa labas ang hagdan. Hinihingal akong sumenyas sa kanya ng ‘nandito na naman sila.’
Alam kong naaawa sa akin si mama. My third eye is level three while hers is level 5. Mas malakas kay mama, nalalaman niya kapag plastic o nagpapanggap lang ang isang tao. And it’s a good one kasi isa siyang Physical Therapist.
Pagsakay ko sa kotse ay iniabot ni mama yung rosaryo na nanggaling pa sa Italy. “Magdasal ka lang,” ginagap pa niya ang kamay ko.
“Ma, hindi ko na to kaya,” naiiyak na talaga ako.
Nung bata pa ako, sabi ni mama, wag daw akong matatakot kasi level one pa lang naman daw ang third eye ko at likas ng nakabukas at baka di na raw tumaas pa ang level niya pero habang patagal ng patagal, lalong lumalala ang nakikita ko.
Nag-drive na si mama. Pagdating sa pinagtatrabahuan niya, pinagbuksan nila kami ng gate. Sa Gobyerno nagtatrabaho si mama bilang Physical Therapist nga. Clue? Mga pulis kadalasan ang tine-theraphy niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/1819585-288-k632596.jpg)
BINABASA MO ANG
These are Horror Stories, Dear
Mister / Thriller☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ The title says it all. ---FINISHED--- EijeiMeyou®