Lullaby

6.7K 129 15
                                    

LULLABY

Mina’s POV

“Aneth, tignan mo nga muna si Lala sa nursery, umiiyak ata. Aayusin ko lang tong gri-nocery ko,” sabi ko sa kasambahay naming si Aneth. Anak ko si Lala, dalawang taong gulang na siya.

“Opo, ate,” tumalima naman agad siya.

Habang nag-aayos ako dun sa ref ay may narinig akong nagha-hum. Sa una ay mahina lang hanggang sa palakas ng palakas iyon.

Nakinig ako ng mabuti.

Nagmumula sa nursery iyon. “Aneth, ikaw ba yan?”

Walang sumagot.

Two-storey house lang ang bahay namin na kabibili lang namin nung isang buwan at kalilipat lang noong isang linggo.

Biglang tumigil ang pagha-hum. Baka nga si Aneth lang iyon. Baka kinailangan niyang kantahan si Lala para tumigil sa pag-iyak ang bata.

“Hi, ate Mina!”

Paglingon ko sa pintuan na nagkakabit sa kusina at sala ay nakita ko si Riz, nakababatang kapatid ko. “Dumating ka na pala! Di ka man lang tumawag at nasundo sana kita sa terminal,” sabi ko. Galing pa siyang probinsiya at bumisita lang upang matignan ang bahay namin at kami na rin.

“Hassle nga ang byahe eh. Oh, nasaan si Lala? Miss na miss ko na ang pamangkin ko.”

“Nandun sa itaas, tignan mo na lang. Sa bandang kaliwa. Mababasa mo yung mga pinagdikit-dikit na letra ni Phil,” si Phil ang asawa ko.

Umakyat na nga si Riz. Saglit lang ay bumaba din siya.

“Oh, bakit? Napatulog na ba ni Aneth si Lala?” tanong ko sa kanya.

“Hindi. Buhat-buhat nga niya si Lala eh tsaka kinakantahan niya rin ng lullaby. Nakakahiya naman kung guguluhin ko sila. Hmm... So, si Aneth pala yung babaeng yun na naka-bestidang itim? Katakot siya magdamit ah.”

“Itim? Di naman itim ang suot ni Aneth kanina ah?”

Bilang sagot sa katanungan ko ay nakita ko si Aneth na pumasok din sa pintuan ng kusina, “Aneth,” tawag ko sa pansin niya.

“Po, ate?”

“Sinong nagbabantay kay Lala?”

Nagtatakang tumingin siya sa akin, “di po ba si Riz yung babaeng nakaitim na buhat si Lala tapos nikantahan pa niya ng pampatulog?”

“Anong si Riz eh nandyan siya oh,” tinuro ko pa si Riz.

These are Horror Stories, DearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon