[Level 3 pt. 6]
Wendy’s POV
Heto kami ngayon dito sa Baguio. May nakilala pa nga kami, si Ate Mani sa UP.
Yung mga kulto pala na sinasabi ni Colonel ay mga pinuno ng mga tribo. Sa Tam-awan Village kami, hindi ko alam kung ;Tamawan’ nga ba iyon, nakalimutan ko na kasi.
Diretso agad kami sa mga anito nila. Pinapasok nila kami sa isang kubo na may mga itim na kurtina.
“Iwan ninyo siya,” biglang may nagsalita. Isang bulag na matandang lalake na nasa gitna ng kubo. Bulag siya. Bumaba naman sina mama at lahat ng ifugao na sumama sa amin. “Lumapit ka, anak,” sambit nung matanda.
Nanginginig naman akong lumapit sa kanya. Halos madapa pa nga ako sa pagkaladkad sa mga paa ko papunta sa kanya.
“Umupo ka, wala akong gagawing masama sa iyo,” sabi ulit niya.
Sinunod ko ang sinabi niya. Kinakabahan talaga ako at tumatambol ang dibdib ko sa oras na iyon.
“Napakagandang bata,” sabi niya habang kinakapa ang mukha ko. Pero maya-maya ay--- “Umalis muna kayo! Wala akong gagawing masama sa kanya!”
Napakislot ako sa kinauupuan ko at tumingin sa paligid ko.
May nakita akong babaeng kumikinang at may ruffles ang damit.
“Anak, magdesisyon ka,” hinawakan ng matanda ang mga kamay ko, “gusto mo pa bang makakita ng ibang nilalang? Kasi sa oras na ito, maaari pa itong tumaas, ang grado nito ay maaari pang tumaas.”
“Ayoko po. Ayoko.” Todo ako sa pag-iling.
“Maging handa ka sa matutunghayan mo.”
Bago pa ako makasagot ay pinatong na niya ang palad niya sa ulo ko.
Tapos may mga inusal siya na hindi ko maintindihan. Paulit-ulit pero parang binubulong lang niya yung iba,
Maya’t maya ay naitatakip ko sa tenga ko ang mga kamay ko kasi parang may sumisigaw sa tapat ng tenga ko. Lumamig na rin ang hangin sa loob ng kubo gayong wala namang bintana doon. May nakikita din akong palakad-lakad sa paligid namin.
Mga limang minuto kaming ganito at tumigil na siya. Tinignan ko siya.
“Iiwan ka na nila.”
“Po?”
“Maging handa ka lang sa mga susunod na makikita mo. Iiwan ka na ng mga bantay mo.”
Tumayo ako at kinuha ang wallet ko, “magkano po?”
Pinigilan niya ang kamay ko, “wag na, mas kakailanganin mo iyan pag-uwi mo. Paalala lang, anak, maging handa ka sa mga makikita mo.”
Tumango lang ako bago lumabas ng kwarto.
Nakita ko sa baba si mama.
“Wala na daw, ma,” masayang balita ko sa kanya.
***
Author: Hang ikli. XD
BINABASA MO ANG
These are Horror Stories, Dear
Misteri / Thriller☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ The title says it all. ---FINISHED--- EijeiMeyou®