Sas’ POV
“There was once a girl named Limare. Limare was a very pretty girl. She was loved by her parents but envied by her older sister, Kamuwe. One day, Limare was found dead inside the campus CR. Basa ang buhok niya kasi nakalublob siya sa bowl ng isa sa mga cubicle doon habang basag ang cheekbones nya na nagdulot ng pagdaloy ng dugo. Her eyeballs were disconnected from her ball socket and the left eye was missing. Her head was broken as if she was hit.
...this incident caused too much pain in her parents’ part but not on her sister. A week after that, Kamuwe kept on shouting: ‘I didn’t kill you!’ inside their house then run towards her room. Dito nagtaka ang mga magulang nila pero di nila alam kung bakit nagkakaganun si Kamuwe. Until Kamuwe gave in. Lagi nyang tinuturo ang CR ng campus nila kapag pumapasok sa school sabay tatakbo at magtatago.
...this happened for almost one month then Kamuwe was found dead inside the same CR where Limare was also found dead, having a long slash on her neck. Wala ang hintuturo niya na lagi nyang ginagamit sa pagtuturo sa parte ng CR. Now, Limare and Kamuwe were said to be hunting, Limare finding her eyes while Kamuwe looking for her forefinger. The two sisters are said to appear for those who doesn’t believe them.” Napatawa ako sa binabasa kong article. Tinignan ko si Kimmie na nagpabasa sa akin ng artikulong iyon, “don’t tell me you believe this?”
“Sas naman, dito sa campus nangyari yan noh. At ilalabas ba iyan kung di naman totoo?” iningusan pa niya ako.
Ngumisi naman ako, “come on, Kim! Ni wala ngang sinabing date kong kelan nangyari to eh! Patawa ka.”
“Pero paano mo madedescribe ang mga napapabalita sa CR natin? Ha?”
“One word, ‘imagination.’ Haysus. Halika na nga, baka ma-late pa tayo sa next class natin.”
“Bahala ka nga. Buhay mo naman yan.”
After that incident, naging busy na kami ni Kimmie kasi sasali kami sa 2 days-1 night. Magkaiba pa naman kami ng section. 2nd year high school pa lang kami.
Camping day...
Good for 3 lang yung tent na tinayo namin ni Kimmie. Kaming dalawa lang naman doon. 11:48 pm na natapos ang program sa school kaya late na rin kaming naligo.
“Sas, wag na lang tayong maligo, mag-alcohol na lang tayo.”
“Kimmie,” I rolled my eyes, “ikaw ha, tara na nga. Nangangati na ako oh!”
Pagpasok namin sa CR ay marami pa ring tao. Iisa lang ang CR sa parteng iyon ng school at may apat lang na cubicle yun. Dahil huli kaming dumating ni Kimmie ay huli din kaming nakagamit ng cubicles.
Bale ako sa unang cubicle at si Kimmie sa pangalawa.
“Tayo na lang yata dito eh,” sabi ni Kimmie habang nasa loob kami ng cubicles. Pagkatapos sabihin yun ay nakarinig kami ng pagbukas ng gripo sa ikatlo at ikaapat na cubicle.
Napangiti ako, “kaw talaga, Kimmie, meron pa tayong kasabay na dalawa oh.”
Naligo na ako. After 25 minutes ay fresh na fresh na ang pakiramdam ko.
Lumabas na ako ng cubicle at nakita ko si Kimmie na nagsusuklay sa harap ng salamin.
“See? Wala diba?” nakuha ko pang tanungin kay Kimmie.
She smiled sheepishly, “oo na.”
Ilang saglit pa ay napansin naming di pa lumalabas ang mga nakasabayan namin sa CR. Parang ang tagal naman yata? “Kim, tara na.”
Maglalakad na lang ako nang biglang namatay sindi yung ilaw.
At bumukas na yung pintuan ng ikatlo at ikaapat na cubicles. Ayos, may kasama kaming maglalakad.
Lumiwanag na ulit, titingin na sana ako sa banda ng mga lumabas g makita kong may dumadaloy na pulang likido sa aming paanan. Naramdaman kong kumapit sa akin si Kimmie.
Sabay pa kaming nagtaas ng paningin...
“Ang mga mata ko...” sabi ng babaeng nakaschool uniform na nakalabas ang isang ugat sa mata habang dumudugo ang buong mukha.
“Nasaan ang hintuturo ko...” sunod naman ng babaeng nakauniform din na nakaharap samin ang nakabukang palad pero walang hintuturo kaya pumapatak doon ang dugo kasabay ng pagbukal ng dugo sa leeg nya.
“Nakita nyo ba kung nasaan?” sabay pa sila habang papalapit sa amin.
“AAAHHHHHHHHHHHHH!” unahan kami sa pagtakbo ni Kimmie.
Hihingal-hingal pa kaming nakarating sa tent. Nagkatinginan pa kami ni Kimmie. Parehong nagtatanong kung totoo ba ang nakita namin. Napagdesisyunan namin na wag na lang pag-usapan yun. Papasok na lang kami sa tent at wag na muling i-brought up ang usapang yun.
Pagbukas namin sa tent---
“NAKITA NIYO BA?”
***
A/N: Hello! Urban legend po ito ng isa sa maraming eskwelahan sa Pilipinas na kailangang itago ang pangalan. :) thank you po sa nagbabasa! Dati pong Chinese school yung eskwelahan kaya po tunog-chinese ang mga pangalan ng mumu.
BINABASA MO ANG
These are Horror Stories, Dear
Mystery / Thriller☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ The title says it all. ---FINISHED--- EijeiMeyou®