Alliyah's POV
Tumayo ako at nagpunas ng pawis. Dinantay ko ang likod ng palad ko sa noo ko at tinignan ang bahagi ng kwarto na nalinis ko na. Pagkuwan ay sa bahaging di ko pa naaayos. Wala pa kasi ang tinawagan kong tutulong sa pag-aayos ng bahay.
"Half the work is done," medyo kontento naman na ako.
Itutuloy ko na naman sana ang ginagawa ko pero biglang tumunog ang telepono sa ibaba.
Lumabas ako ng kwarto. Si Seth siguro yun, asawa ko. We're newlyweds, actually, pero pangalawang asawa lang ako ni Seth dahil patay na ang unang asawa niya. May anak si Seth sa unang asawa niya, si Akila.
Pababa na ako ng hagdan ng mapansin kong parang may pumasok na babae sa kusina. Napatigil ako sa may gitna ng hagdan. Nakapatay ang ilaw sa kusina dahil pumapasok naman ang liwanag sa buong bahay kapag umaga.
"May tao ba diyan?" I took another step down. "Aisht! " napatalon ako nang mag-ring ulit ang telepono. Oo nga pala! Dali-dali akong bumaba at sinagot yun, "yes?" Baka guni-guni ko lang ang babae. Pagod na rin naman ako.
"Hey, sweetie," boses ni Seth."Why do you have to call that girl? She's not important!" naririnig kong sabi ng nasa background.
"Akila, stop it," saway ni Seth.Sabi ko na nga ba, si Akila.
Akila's only 6 years old pero matatas ng magsalita. She was only 4 when her mother died. I guess di pa siya handang magkaroon ng bagong mommy. Four months pagkatapos ng libing ng mama niya, nagkakilala kami ni Seth. He's only 29 and I'm 22. Maaga kasi siyang nagkapamilya."Oh, hi," pinilit ko pa ring pasiglahin ang tono ko. "Kakain ba kayo ng lunch dito? Maghahanda ako." Hindi pa talaga kami nagkasama ng matagal ni Akila, noong kasal ko lang siya nakita pagkatapos ay tumira na siya sa mga lolo’t lola niya, mother side. Pero ngayon, kinuha na siya ni Seth and she’ll live with us.
"Please do, bibili lang kami ng ice cream ni Akila.""Aww!" narinig kong umingit ng iyak si Akila.
"Is everything okay there?" kahit naman ganun ang bata, ayoko pa rin siyang naririnig umiyak.Hinintay kong sumagot si Seth.
"W-wala yu-yun--"
"Seth? Seth? The line's---hello?" napuputol ang linya at parang may nasisirang kung ano.
"Don't... Please..." ngayon ay parang ungol ng babaeng pinapahirapan ang naririnig ko. Mahina lang ang boses pero napakalinaw ng mga sinasabi niya.
"Seth?" anong nangyayari? Di naman yun boses ni Akila. Parang boses yun ng babaeng nasa mid-20’s.Nag-echo sa buong bahay ang paglagapak ng telepono sa de-tiles na sahig dahil nabitiwan ko. Agad kong hinaplos ang batok ko. Parang nanlalamig kasi... Parang may... Parang may humawak? Lumingon lingon ako.
Pagtutuok ng paningin ko sa hagdan ay may nakita akong babae na naglalakad patungo sa kwartong pinanggalingan ko kanina. Parang siya yung babaeng nakita ko rin kanina na papasok sa kusina. Pero... paano? Paanong nakapasok siya eh nakasara naman kahat ng pinto sa bahay? Sinigurado ko yun pagkaalis ni Seth para sunduin si Akila. At paanong ngayon ko lang siya napansin?
BINABASA MO ANG
These are Horror Stories, Dear
غموض / إثارة☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ The title says it all. ---FINISHED--- EijeiMeyou®