Music Box

10.3K 162 21
                                    

☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚

[MUSIC BOX]

 

Disyembre 12, 2007

“Ate Jie, handa ka na?”

 

Inayos niya muna ang hikaw niya bago tinignan ang repleksiyon sa salamin. “Saglit lang, Alex.” Nilagyan rin niya ng concealer ang may kahabaang peklat sa pisngi niya. Hindi ko alam kung saan niya nakuha iyon pero simula’t sapol, lagi ko na yung nakikita.

 

“Patayin mo na nga yang music box mo, ako ang kinikilabutan diyan, eh,” sabi ko at hinawakan pa ang magkabilang braso. Sa totoo lang, ako ang kinikilabutan sa mga trip nitong nakakatandang kapatid ko, ang hilig niya sa mga nakakatakot na bagay.

“Ano namang nakakatakot sa music box ko?” tanong niya sabay sara niyon. Kapag nasa bahay siya, hindi niya nakakaligtaang buksan iyon, nare-relax daw ang mga senses niya kapag napapakinggan iyon. “Tara na at nang wag mo ng pansinin lahat ng gamit ko dito sa kwarto ko.”

 

“Pati yang manika sa kama mo, naku kapag yan umikot ang ulo, tatalon na talaga ako,” kumunot pa ang noo ko. May mga manika rin siya sa kwarto at kung anu-ano pang life-size na mga bagay. Buti naman sana kung makukulay ang mga iyon ngunit hindi naman, nakakatakot ang mga matitingkad nilang kulay. “Dali mo na at susunduin pa natin sina mama sa airport.”

 

May mga nararamdaman daw si Ate Jie tungkol sa bahay na binili lamang daw nina mama sa pinsan niya noon na si Tita Imelda na namatay naman sa di maipaliwanag na dahilan. Ako nga rin, minsan natatakot doon, idagdag pa ang mga koleksiyon ni Ate Jie na parang malingat ka lang ng isang sandali ay sasakalin ka na, kung may sakit lang siguro ako sa puso, malamang na sa ospital na ako nakatira noon pa. Di kalayuan sa amin ay sementeryo na at ilang kilometro pa’y hospital na kung saan naman nagtatrabaho si Ate Jie bilang isang nurse. Ako naman ay kumukuha pa lamang ng kursong nursing kasi gusto kong sumunod sa yapak niya. Labing isang taon ang tanda ni Ate Jie sa akin ngunit di iyon sagabal para hindi kami magkasundo.

 

Pagdating namin sa airport ay nakita agad namin sina mama at papa. Buhat-buhat pa nila ang ilang dala nila.

“Ma!” agad kong niyakap si mama Angela at si Ate Jie naman ay yumakap kay papa Luis. Maya-maya ay lumipat naman ako kay papa, “pa, kumusta ang Davao?”

 

“Maayos naman,” payak na sagot ni papa. “Tara na, dala mo ba ang kotse mo, Alex? May nirentahan na kasi itong mama mo kasi masyado kaming maraming dala at hindi kakasya sa kotse mo. Doon na lang siguro kami, sa bahay na lang tayo magkikita-kita.”

 

“Aw,” kunwari’y nag-pout pa ako sa kanya, “sige na nga.”

 

“Alex, sasabay na rin ako sa kanila, please?” pinapungay pa ni Ate Jie ang mga mata niya sa akin.

These are Horror Stories, DearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon