Exorcismos

9.7K 118 12
                                    

“Hindi ito nangyayari sa akin,” kumbinsi niya sa sarili at sumiksik sa gilid ng kanyang kama.

“Ghen? Anak?” kumatok pa ang kanyang mama at papa sa labas ng kanyang kwarto ngunit iba ang naririnig niya.

Pagtingin niya sa teresa ng kanyang kwarto ay nakita na naman niya ang madreng walang mukha. Nakaharap ito, tumutulo ang dugo sa paanan na nanggagaling sa gilit na leeg nito at lumulutang lamang. Katabi nito ang isang lalakeng namumula ang mga mata na diretsong nakatingin sa kanya. Tinakpan niya ang tenga nang marinig ang isang nakakapanindig balahibong tawa ng isang demonyo. “Hindi! Hindi!” paulit-ulit na sigaw niya. Binato niya lahat ng nahawakan niya mula sa itaas ng bedside table niya. Nabasag ang mga picture frames doon, nasugatan pa siya sa isang basag na salamin, tumulo ang dugo niya sa mismong larawan niya nang siya’y manalo bilang Miss Intrams ng kanilang kolehiyo. “Lumayo kayo sa akin!” napaiyak siya sa kawalang magawa.

Kahit tinatakpan na niya ang kanyang mukha’y nakikita pa rin niya ang mga itong papalapit sa kanya.

***

“And the Miss Intrams 2003 is...” binitin pa ng emcee ang sasabihin at mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao, “Miss Ghen Arcena!”

 

Gaya ng inaasahan ng karamihan, si Ghen ang nanalo sa paligsahan ng kagandahan sa paaralan nila. At alam na rin niya sa sarili niya na siya ang mananalo. Taas noong naglakad siya pumaharap, inirapan pa niya ang katabi niyang plastic na nakipag-holding hands sa kanya kanina na kunwari ay kinakabahan sa magiging resulta. Marahil kung wala lang sigurong audience ay nagsabunutan na sila.

“Thank you,” pagkukunwari niyang wika habang pilit na pinapatulo ang luha sa kanyang mga mata na pinaghandaan na niya kagabi pa, nag-ensayo siya kung paano ba palabasing totoo ang nararamdaman niya. Ayaw naman talaga niyang sumali sa mga ganitong paligsahan kung hindi lang siya pinilit ng kanyang inang pangarap maging isang modelo noon. Todo-ngiti at kaway pa siya habang pinapatong na ang korona sa kanyang ulo. Nasisilaw na rin siya sa uli-uling pagkikislapan ng mga camera sa paligid.

Habang kinakalat niya ang tingin sa maraming tao sa ibaba ng stage ay hindi nakatakas sa kanyang paningin ang isang batang babaeng may hawak na bulaklak na adelfa, nakatayo lang siya doon at mukhang di naman siya alintana ng maraming tao. Nakipagtitigan siya sa bata hanggang sa mapansin niyang may likidong lumalabas sa mga mata nitonang hindi man lang kumikilos ang mga muscles sa mukha... dugo, lumuluha ng dugo ang bata! Unti-unti itong naglakad paharap, papalapit sa stage.

“Ghen?”

 

“Ghen?”

 

“Ghen?”

 

Naihiwalay ang tingin niyasa bata nang biglang may tumapik sa balikat niya at nag-abot ng tissue.

“Ghen, lumuluha ka ng dugo,” sabi ng emcee sa kanya.

“Ha?” ipinunas niya ang tissue sa ilalim ng mata niya, dugo nga, muli siyang tumingin sa ibaba ng stage ngunit wala na doon ang bata.

These are Horror Stories, DearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon