[Level 3 pt. 4]
Wendy’s POV
Nasabi ko na kung bakit kami nagpapalipat-lipat. Pero iku-kwento ko ang buong istorya.
I was 3 years old when pneumonia hit me. I was admitted for 2 months. May yaya ako nun, si Nanay Mayet.
Sabi niya, may mga kausap daw ako.
I built my own world with them.
And then gumaling ako. umuwi na kami sa bahay namin.
“Lumipat na kayo kasi kulob dito,” sabi ni tatay Isidro. Ang may-ari ng tinitirhan namin. Kulob, yun daw ang dahilan kung bakit ako nagkasakit. “Pumili kayo ng lugar na mas sariwa at presko ang hangin.”
That time na nagkasakit ako, wala sina mama at papa. Nag-out of town sila para makahanap ng lilipatang bahay. Dahil bpa ako, hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin ang mga nangyayari sa paligid pero naaalala ko pa nung minsang nakitulog kami ni Nanay Mayet sa kapitbahay namin kasi may espirito daw na nakikipag-kaibigan sa akin at gustung-gusto ako.
Tinatawag ko daw ang espiritung iyon na Ate Angel.
Minsan, may hindi inaasahang nangyari...
“Oh, Wendy, lalabas muna tayo ha? Bibili lang tayo sa kanto,” hindi ako binuhat ni Nanay Mayet, hinawakan lang niya ang kamay ko.
Paglabas namin ng pinto ay agad daw akong ngumiti kahit na wala namang kangiti-ngiti sa araw na iyon at sa mismong lugar na iyon.
Hindi pa kami nakakalayo sa bahay ay bigla daw akong nagsususuka at bigla na lang nagkasakit.
Bumalik kami sa loob ng bahay at dahil wala pa nga sina Mama, si Nanay lang ang nag-alaga sa akin.
Pagpasok namin sa loob ng bahay ay humupa ang pagsusuka ko at maging ang sakit ko daw ay nawala na rin.
Tinawagan pa rin ni Nana yang pedia ko, si Doctor Paguron, at ang findings niya ay: “wala naman siyang dahilan para magsuka at magkasakit. Maayos naman ang kalagayan niya.”
After ng check u, dumating si Tatay Isidro.
“Sabi ng lumayas na kayo dito! Hindi kayo nakikinig sa akin!” galit na bulyaw niya sa amin, “gabi-gabi umalulong ang mga aso ko’t nakatingin dito sa tinitirhan niyo!”
Umalis din si Tatay Isidro agad.
Hindi kami nakahuma ni Nanay.
Tumunog naman ang telepono at kahit na nanginginig si Nanay ay sinagot niya yun, “hello? Ma’am? Ho? Opo, opo!” dali-dali akong binuhat ni Nanay papunta sa kwarto at inmpake lahat ng dadalhin namin sa pag-alis sa bahay na iyon.
BINABASA MO ANG
These are Horror Stories, Dear
Misterio / Suspenso☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ The title says it all. ---FINISHED--- EijeiMeyou®