Ex2rcismos: the Rebirth- THALA Third place

7.5K 95 22
                                    

“May inuwi si nanay... sa bahay...”

 

“Luna, pwede ba?” naiinis na pakli ni July sa walong taong gulang na kapatid niya sa inang si Luna, “hindi nakakatuwa.” Tumayo na siya at binuhat ang kanyang laptop.

 

Tumingin lang ang kapatid niya sa kanya, “natatakot ka, tama ba?” ngumisi pa ito.

“Maldita ka talagang bata ka, diyan ka na nga at sana bisitahin ka ni Ghen,” siya naman ang ngumisi dito, nasa hagdanan na siya. Si ‘Ghen’ ay ang babaeng laging kinukwento ng mama Julie nila, dati daw nakatira si Ghen sa bahay na tinitirhan nila ngayon. Ang sabi-sabi rin ng mga kapitbahay nila, madalas daw magparamdam ang babae sa kung saan-saang parte ng bahay, hindi daw maipaliwanag kung paano ito namatay pati na rin ang mga magulang nito na una’y nabaliw muna bago tuluyang binawian ng buhay. Minsan daw ay parang may kumakalampag sa mga bintana kahit tirik ang araw, minsan naman daw ay may sumisigaw sa loob ng bahay kahit na wala namang tao doon. Nabakante daw ang bahay na iyon sampung taon na ang nakakalipas at ang mga sumunod na tumira ay kung hindi sinasapian ang isang miyembro ng pamilya ay nagsisimatay naman daw.

“No, Ghen is not real,” nagtaas kilay pa ito sa kanya. Patuloy lang sa paglalaro ng manika nito.

“Ghen is real, she’s at your back right now.”

 

“Mama!” agad itong tumakbo papasok sa kusina kung saan naroon ang mama nila.

“Huh,” umangat ang kanang parte ng labi niya saka pumasok sa kwarto niya. Mag-aapat na buwan na rin mula nang lumipat sila doon. Ayaw na ayaw niyang lumipat sa bahay na iyon. Hindi naman sa natatakot siya pero nawi-weirdo’han lang siya sa sobrang mahabang mga hallway, napakaraming kwarto at ang pinaka-weird ay ang kwartong binigay sa kanya ng mama niya. Masyadong dark ang theme niyon, ang bintanang kaisa-isa ay ayaw pang mabuksan. No choice sila kundi lumipat doon dahil iyon ang pinakamurang bahay na nakita ng mama at step father niya. Hindi naman na siya nakapalag sa desisyon ng mga ito, ano nga lang ba siya pamilyang iyon kundi isang napakalaking sabit?

“July,” narinig niyang tawag ng mama nila mula sa ibaba ng hagdan. “Bumaba ka nga dito.”

 

Ngayon pa lang ay nai-imagine na niya ang mama niyang nakahalukipkip habang pinapatahan sa pekeng paghikbi si Luna, “nandiyan na,” sagot niya pero bumulong muna siya ng mura, “puta, magsimatay na sana kayong lahat.” Dati naman silang masaya ng mama niya noong buhay pa ang papa Ric niya. Kaya lang ay namatay ito sa plane crash papuntang Davao dahil sa trabaho nito. Ang sabi ng mama niya noon, anim na taong gulang pa lang siya noon, hindi daw siya nito pababayaan pero paglipas lamang ng dalawang taon, bigla na lamang nitong ipinakilala sa kanya si Marc, ang bagong boyfriend nito at hindi lang iyon, buntis na ang mama niya kay Luna noon. Galit na galit siya dito na hindi niya maipaliwanag, napabayaan na siya. Mabait naman si Marc pero pakiramdam niya ay inagaw nito ang lahat ng atensyon ng mama niya, lalo pang bumigat ang pakiramdam niya nang dumating si Luna. Hindi tuloy niya maiwasang hilingin na sana ay totoo na lang si Ghen at si Luna ang una niyang kunin, isunod ang mama niya na walang ibang ginawa kundi paboran ang kapritso ng bata.

Pagkababa niya ay napatunayan niyang tama nga ang hinala niya, naghihintay na ang mama niya’t pati si Luna sa baba ng hagdan. Ano pa kaya kapag nandoon na si Marc? Buti na lang at nagtatrabaho ito sa Canada magda-dalawang taon na yun doon. “Ano na naman bang sinabi mo dito kay Luna?”

These are Horror Stories, DearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon