Level 3.7- TPGS Liker's Choice

10.6K 151 29
                                    

LEVEL 3.7- “Wendy’s New Life”

 

February 26, 2013

Umupo ako sa harap ng laptop. Great, mag-12 am na. Umaga na sa Germany kung saan naroon si mama. Nag-online ako sa skype at hinintay rin siyang mag-online.

"Ming," tawag ko sa pusa kong kulay puti, agad naman siyang tumalon papunta sa hita ko, hinaplUs-haplos ko siya hanggang sa tahimik na siyang nakatulog. Ang tagal mag-online ni mama.


Naisipan ko na munang manood ng Yamato Nadeshiko. Nakakatuwa si Sunako.


"Kkssh!"


"Aray!" napatayo ako at mabilis na lumapag si Ming sa sahig, paano ba naman, nagising siya t parang may kaaway, tumalim tuloy ang mga kuko niya at nasugatan ang kanang hita ko. "Bad, Ming-ming," sermon ko habang patuloy pa rin siya sa pagngangalit habang nakatingin sa pinto ng kwarto ko na hindi ko na pinagkaabalahang isara dahil wala naman akong kasama sa bahay. Nananayo ang mga balahibo niya at para talagang may kaaway.


Naglakad ako papunta sa aircon para hinaan yun. Para kasing lumamig ang temperatura sa buong kwarto. Naupo ulit ako sa harap ng laptop.


Dahil mahilig sa itim si Sunako na siyang bida sa anime na yun, madalas na madilim ang aura ng pinapanood ko. Naka-off pa mandin ang ilaw sa kwarto. Nasa parte na ako na nagkukulong si Sunako sa isang madilim na lugar nang marinig ko ulit si Ming na nag-iingay. Tumalon siya sa hita ko na parang may tinatakbuhan.


Pagtingin ko sa left side ng screen ng laptop, nanlaki ang mga mata ko...

Parang may babaeng sumisilip mula sa pinto. Nakasilip lang ang ulo niya at hindi ko makita ang katawan niya. Kitang-kita ko ang mapuputing mga mata niya. Nagre-reflect sa salamin ng laptop.

Namanhid ang buong batok ko nang dahil doon.

Pinilit kong iikot ang ulo ko para tumingin dun.

Malakas ang speaker ng laptop pero parang wala akong naririnig maliban sa ingay ni Ming. Pumikit ako at bumilang ng hanggang tatlo. Pagmulat ko ay wala na doon ang ulong nakasilip. Lumiwanag na rin ang laptop dahil lumabas ang bidang lalake na nagdudulot ng pagdurugo ng ilong ni Sunako.

Idinaan ko sa paghaplos kay Ming ang nararamdaman ko. Hindi lang naman ngayon ang pagkaranas ko nito, maraming beses na.

Chi-neck ko kung online na ba si mama.

Good, online na siya. Binuksan ko agad ang cam ko.

Nag-uusap kami ni mama at pansin ko ang maya't mayang pagkunot ng noo niya. Ilang beses din siyang nag-offline kaya kailangan pa naming mag-reconnect ulit.

Mag-aalas tres na nung matapos kaming mag-usap. Sa FB na lang daw kami mag-chat.

Ang pinaka-di ko malilimutang chi-nat niya sa akin nung gabing iyon ay: "Ipa-bless mo yang kwarto mo, di lang makalimang beses akong may nakitang sumisingit sa camera. May sumisilip din sa pinto, wag mo kasing iiwang nakabukas, kita mo, nakakapasok siya. Anak, yung kama mo, pagpagin mo muna bago ka mahiga, nandun din siya kanina."

Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan. Matagal ko na ring nararanasan ang mga ganitong bagay pero hindi ko makayang isanay ang sarili ko. Bago ako matulog ay pinagpag ko ang kama ko.

Pero kahit ganun, alam kong nung nahiga ako, may tumabi sa akin.

***

February 26, 2013

Nagising ako ng mga alas-siete, mas maaga ng thirty minutes sa ini-alarm ko. Nagising ako na parang tumatawa kasabay nun ay ang pagsama sa ihip ng hangin ng isang tinig na parang may sinasabi pero hindi ko naman maintindihan.

Winaglit ko iyon. Kung papadala ako sa mga naririnig at nararamdaman ko, baka mabaliw lang ako.

Kailangan kong maglaba sa ngayon. Naghilamos na muna ako sa banyo sa kwarto ko at nagpunta sa basement. Walang bintana doon, iyon ang isang iniangal ko nung lumipat kami doon bago magpunta sa Germany si mama. Okay lang sana kung may kasama ako pero hanggang ngayon na mag-iisang buwan na ‘ako’ dun ay di pa rin dumadating ang tita ko.

These are Horror Stories, DearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon