𝘾𝙃𝘼𝙋𝙏𝙀𝙍 32

258 10 3
                                    

|hi everyone. I'm sorry it took me so long to give an update. I'm just busy with my modules, please understand, Thank you and keep safe everyone!



"Tagal niyo, ah!"

Tumayo si Sam at Riza upang salubungin kami sa labas ng bahay nila Ivan. Naabutan kasi namin sila ni Kaiel na naka- upo sa side ng kalsada at mukhang kakatapos lang mag skateboard dahil dala nila ang iyon.

Kinuha ni Sam ang dalang paper bag ni Kaiel. "Woah, ang dami nito. Wala ba'ng para sa'kin?"

"Tsss." Nilagpasan lang ni Kaiel si Sam at tinawanan lamang siya nito.

"Saan kayo galing?" Tanong ni Riza.

"Uh, sa may malapit na convenience store lang..." Mahina ko'ng sabi.

Tumango naman si Riza at hindi na sumagot. Dumiretso kaming tatlo sa loob ng bahay ni Ivan upang kumustahin kung ano nang nangyayari.

"Tapos na lahat, guys!" Pumalakpak si Trina at tumingin sa amin. "Oh my gosh! Nakakapagod mag sulat ng mag sulat, ah!"

"Though, this is just the beginning." Ngumisi si Kaiel habang sinasarado ang mga librong aming nagamit.

Ivan chuckled, "Tama si Kaiel, paniguradong may mga presentation din na ipapagawa ang ibang mga professor natin."

Ngumiwi lang si Trina at nagligpit na rin ng gamit. Gano'n din si Gwen. Gumaya nalang din ako sa pagliligpit.

"Mauuna na kami, ah, Ivan. Tumawag kasi si Mommy at may family dinner pa kami. Kailangan ko'ng umabot do'n." Nginitian kaming lahat ni Trina.

"Hatid ko na kayo,"

"Talaga? Sige!"

Pinanood ko silang mag- ayos at mag- usap kung paano uuwi. Samantalang ako ay parang ayaw na munang umuwi, pero hindi naman pwede iyon dahil paparating na si Mang Yoni rito upang sunduin ako.

Kanina kasi'y nag text siya sa akin at sinabing siya na ang susundo dahil ayos na raw ang kaniyang anak at balik na siya sa trabaho. Binigay ko naman agad anvg address dito.

Nang maayos ko ang mga kagamitan ko ay lumapit ako kay Kaiel. "Tapos na ba talaga tayo sa lahat?"

Tinaasan niya ako ng kilay. His lips playfully twisted to hide his playful smirk. Sinimangutan ko siya.

"Why? Gusto mo pa?"

Ngumuso ako at tinaasan din siya ng kilay. "Hindi, 'no. Tinanong ko lang at baka mamaya hindi pa pala. Bukas na ang report niyan."

"Sino nga pala ang magre- report? Hindi ba't dalawa lang daw sa harapan?" Singit ni Gwen.

"Oo nga pala, 'no?" Si Trina.

"Kaming dalawa." Ani Kaiel.

Napalingon ako sakaniya at nahuli siyang nakatitig sa akin. Pumikit- pikit ako.

"T- tayo?" Tanong ko. Hindi naniniwala.

"Yup." Tumango siya. He flashed an evil smirk again. "Bakit, ayaw mo?"

Matagal bago ako naka sagot. Tiningnan ako ng lahat upang malaman kung ano ang desisyon ko. Pero siyempre 'pag tumanggi naman ako ay baka magalit na naman sa akin si Kaiel. Iyon nalang sana ang maitutulong ko tapos ayaw ko pa.

Nag- iwas ako ng tingin at nagkunwaring inaayos ang bag ko. "Hindi naman. S- sige, i- send mo nalang sa akin ang speech. Sa email ko."

"Okay," Naka ngisi pa rin siya.

Sabay- sabay kaming lumabas. Nakita ko ang itim na expedition sa harap ng bahay at lumabas do'n si Mang Yoni na magiliw na ngumiti sa akin.

"Narito na pala ang sundo mo," Sambit ni Riza. Tumango ako.

THE WILD'S DEEPEST AFFECTION (BURNING LOVE SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon