Finale . . . Banal na Kasal

68 4 0
                                    

We can not question why our Almighty God
created us.
We can not question His purpose.
For tbe Believers of our Almighty God
We may live our lives differently
For in this Physical World
EVERYTHING IS JUST TEMPORARY.
In the very moment
We depart this Physical World
Is tbe very moment we are Truly Reborn
IN THE SPIRITUAL WORLD.
To live Eternally with our LORD ALMIGHTY GOD
This is the True Essence of
REINCARNATION
And
I BELIEVE ...

*** Tito Rudy***

**************

" Banal na Kasal"

-----

Tumahimik ang lahat sa hiwagang kanilang napapanood. Naramdaman nila ang kilabot na bumabalot sa buo nilang katawan habang pinagmamasdan ang dalawang kaluluwang masayang naglalaro sa lawa. Naglaho na si Justiana matapos siyang mapatawad nina Eleonor at Armando. Lumuluha dahil sa tuwa si Noreen at napayakap sa baywang ni Clayden.

Tumigil sa paglalaro ng tubig sina Eleonor at Armando. Lumingon sila kina Noreen at Clayden. Ngumiti sila at lumapit sa tabi ng lawa sa harapan ng dalawang pamilyang natahimik.

"Padre maari ba ninyo kaming ikasal?" Sabi ni Armando.

Nagulat ang pari. Ngayon lang ito nangyari sa tanang buhay niya. Pautal siyang napasagot.

"O-o. Pupweede! Lumapit kayong dalawa sa akin."

Lalong ikinagulat ng lahat ng lumapit ang dalawang kaluluwa kina Noreen at Clayden. Sumanib ang mga kaluluwa sa kanilang katawan.

"Eleonor aking mahal!" Boses na ni Armando ang kanilang narinig.

"Mahal kong Armando!" Malamyos na tinig ni Eleonor.

Hinawakan ni Armando ang kamay ni Eleonor at humarap sila sa pari. Napaluha sa tuwa ang kanilang mga magulang at kapatid sa nakikita nilang nagaganap na hiwaga. Nagyakapan ang mga kaibigan ni Noreen.

Binuklat ng pari ang hawak niyang Bibliya. Sinimulan niya ang banal na Sakramento ng kasal ng dalawa.

Tumahimik ang buong paligid na tanging ang boses lang ng pari ang naririnig nilang nagsasalita. Hanggang sa magtanong siya.

"Noreen este Eleonor pala, tinatanggap mo bang maging kabiyak si Armando . . . . at magsasama kayo hanggang sa walang hanggan magpakailan pa man?" Matagal bago niya nadugtungan ang kanyang tanong dahil naisip niyang mga kaluluwa ang nasa kanyang harapan na sumanib sa katawang tao nina Noreen at Clayden.

Lumingon si Eleonor kay Armando at ngumiti.

"Opo padre!"

" Armando, tinatanggap mo ba si Eleonor bilang kabiyak at magsasama kayo hanggang sa walang hanggan magpakailan pa man?"

"Opo padre!"

"Ang mga singsing? Nasaan?" Naitanong ng pari.

Nagtinginan ang dalawang pamilya. Hindi nila inaasahan ang kasal kaya wala silang singsing na maibibigay. Mabilis na hinugot ng mommy ni Noreen ang kanyang wedding ring at ibinigay kay Armando. Hinugot na rin ng papa ni Clayden ang kanyang wedding ring at iniabot naman kay Eleonor.

Reincarnation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon