Part 9 ... Kulungan

41 2 0
                                    

"Kulungan"

Ang Nakaraan . . .  .
Sa Kwento ni Lola Justa

--------

Ikinulong si Eleanor ng kanyang kapatid at ama sa kanyang kwarto. Naghabilin sa mga kasambahay na huwag palalabasin sa silid ang dalaga. Tanging si Justiana lang ang nakakapasok para dalhan siya  ng pagkain at inumin.

Isang araw matapos mailagay ni Justiana ang tray ng pagkain sa mesa ay kina-usap siya ni Eleonor.

"Justiana pwedeng pakibigay mo ang liham na ito Kay Armando?"

Tinignan ni Justiana ang sulat na hawak ni Eleonor. Nakaramdam siya ng pagka-inis.

"Oo señorita. Akina!"

"Salamat Justiana. Kay buti  mo."

"Lalabas na ako señorita. Baka mapagalitan ako kung magtatagal ako rito sa loob."

"Sige Justiana. "

Lumabas siya na masama ang loob. Akala niya ay masosolo na niya si Armando ngayong nakakulong na si Eleonor sa kanyang kwarto. Iniisip niya kung ibibigay niya ang liham o hindi. Nagtago siya sa likod ng kusina at binasa ang liham ni Eleonor.

"Mahal Kong Armando,

Kinasasabikan ko ng nakita kang muli. Hindi ako makalabas dito sa aking silid. Ikinulong ako nina Kuya Joven at Papa.

Mamatay ako sa kalungkutan mahal ko. Gustong-gusto na kitang makita mayakap at maramdaman ang mga init ng iyong mga labi.

Tatakas ako rito. Magkita tayo sa ating munting paraiso. Hintayin mo ako bukas mahal ko.

Nagmamahal ng labis,

Eleonor"

Gusto niyang punitin ang sulat. Suklam na suklam siya dala ng labis niyang panibugho kay Eleonor. Ibinulsa niya ang sulat at pumasok sa kusina.

Kinahapunan ay nagpaalam muna si Justiana na kunwari'y uuwi muna sa kanila. Lumabas siya ng bahay na bato at bumaba sa burol. Malayo pa lang ay nakita na niya si Armando na naka-upo sa ibabaw ng bato sa may aplaya.

Nakalapit siya sa binata ng hindi siya namamalayan ni Armando.

"Hoy Armando! Anong iniisip mo riyan?"

"Huh! Ikaw pala Justiana. Wala may namimiss lang ako!"

"Sino? Ako ba?"

"Hindi! Bakit ka nga ba naririto?"

"Namimiss kasi kita!"

"Tigilan mo na nga ako sa mga pagbibiro mo!"

"Hindi ako nagbibiro. Alam mo ng matagal na kitang gusto."

"Justiana ang mabuti pa ay bumalik ka na. Masisira lang ang araw ko sayo."

"Ang sakit mo namang magsalita Armando. Ikaw rin baka magsisi ka!"

"Bakit Justiana anong ang dapat kong pagsisihan?"

"Pinababalik mo na ako. Hindi ko na ibibigay sayo ang sulat ni señorita!"

"May sulat siya para sa akin? Akina!"

"Ayoko nga! Isang halik muna!"

"Ano? Sige na isauli mo na lang sa kanya."

"Eto na nga! Ang lupit mo Armando."

Ibinigay niya ang liham sa binata. Agad namang binasa ni Armando ang sulat.

"Salamat Justiana."

Umalis siya na maluha-luha. Masama ang loob.

"Akala mo ba hahayaan kong magkita pa kayo! May paraiso pa kayong nalalaman."

Reincarnation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon