"Pagmamahalang Hanggang Kamatayan"
-------
Ang nakaraan ...
Umiiyak si Justiana habang naglalakad papalayo kina Eleonor at Armando. Naninikip ang kanyang dibdib dahil sa matinding panibughong nararamdaman at galit sa kanyang señorita. Malapit na siya sa aplaya ng mamataan niya ang isang grupo ng mga sundalong Hapon. Nagmadali siya sa paglalakad at nilapitan ang mga sundalong Hapon.
"Tomadachi! Tomadachi!" Humahangos ang papalapit na si Justiana sa mga sundalong Hapon. Napansin siya ng kanilang pinuno.
"Nani? (Ano?)" Huminto sa paglalakad ang mga Hapon. Lumapit ang pinuno kay Justiana.
"Nani?" Inulit niya ang tanong. Kahit hindi naintindihan ni Justiana ay sumagot siya.
"Gerilya tomadachi there!" Itinuturo niya ang lugar kung saan niya iniwan sina Armando at Eleonor.
"Gerira? Doko? Doko? (Gerilla? Where? Where?" Sagot ng Hapon.
"Yes! Yes! Tomadachi! There!" Muli niyang itinuro ang taniman ng mga niyog.
"Hetai! YUKO! (Mga sundalo! Tayo na!)" Sa pangunguna ng kanilang pinuno ay nagtakbuhan ang mga sundalong Hapon papasok sa loob ng taniman ng mga niyog. Sumunod sa kanila si Justiana na napatakbo na rin.
Kinuha ni Armando kay Eleonor ang dala nitong balutan. Masaya silang naglalakad patungo sa madawag na halamanan. Sa kalayuan ay paparating na ang mga sundalong Hapon at nakita sila.
"Hoi!" Malakas na sigaw ng pinuno ng mga Hapon. Napalingon ang dalawa. Biglang natakot di Eleonor.
"Armando ang mga Hapon!"
"Tumakbo na tayo mahal ko. Ililigaw natin sila sa loob ng kagubatan." Hinawakan ng binata ang kamay ni Eleonor at tumakbo sila.
"HOI! YAMERU! YAMERU! (HOY! TIGIL! TIGIL!" sigaw ng Hapon pero hindi tumigil sa pagtakbo ang dalawa.
"HETAI! SORERA O UCHIMASU! (Mga SUNDALO! BARILIN SILA!)" itinuro ng pinuno ang kanyang hawak na samurai sina Eleonor at Armando.
"BANG! BANG! BANG! BANG!"
"UHHH! ARMANDO MAHAL KO!"
"ELEONOR MAHAL!" Tinamaan sa likod si Eleonor at tumagos ang bala sa kanyang dibdib.
SInalo niya ang papatumbang dalaga na nawalan ng malay tao. Nakita niyang bumulwak ang dugo sa dibdib nito. Kaagad niya itong binuhat at tumakbo.
"YAMERU! (TIGIL)"
"EEEEEEEEEEEE! HUWAG PO! HUWAG PO NINYO SILANG BABARILIN! HU HU HU!" Sigaw ni Justiana. Humagulgol siya ng iyak ng makitang tinamaan ang kanyang señorita.
"BANG! BANG! BANG!"
"URGHHH!" Tinamaan na rin sa likod ang binata. Hindi tumagos ang dalawang bala. Muntik na siyang mapasubsob. Naramdaman niya ang sakit sa kanyang dibdib pero nilakasan niya ang kanyang loob. Tumakbo siya at nakapasok sa madawag na halamanan.
"ARMANDO! EEEEEEEEEEEEE! HU HU HU! PATAWAD ARMANDO! PATAWAD SEÑORITA ELEONOR! AYEEIIIIIIIII! HU HU HU!" Panaghoy ni Justiana. Napaupo siya sa lupa. Hindi niya akalain na ang kanyang ginawa ay magbubunga ng masama na kailan man ay hindi niya malilimutan at pagsisihan habang siya ay nabubuhay.
Lumuluha si Armando. Lakad takbo ang kanyang ginagawa. Pasikot-sikot siya sa madawag na gubat mailigaw lang ang humahabol na mga Hapon sa kanila ng mahal niya. Tinalunton niya ang batis at iniwasang may pumatak na dugo sa mga batuhan. Narating niya ang munting lawa na may talon. Ang munting paraiso nila ni Eleonor. Kaagad siyang pumasok sa talon at sa loob ng guwang ay inihiga niya ang dalaga sa nakalatag na blanket. Wala pa ring malay tao ang dalaga. Nanghihina na siya sa dami ng dugong nawala sa kanya. Humiga siya sa tabi ng kanyang pinakamamahal.
BINABASA MO ANG
Reincarnation (Completed)
ParanormalMinsan na nga ba tayong nabuhay? Na sa pagsilang nating muli ay tila panaginip na nagpapa-alaala sa atin ang nauna nating buhay? Walang makapagsasabi at makapagpapatotoo pero minsan ay naitatanong natin sa ating mga sarili at nasasabing "Nakita ko n...